Chapter 01: Echo
~~~~~
"ECHO, mag-ingat ka!" I smiled cheerfully at mama while nodding and waving my hand.
Papasok ako ngayon sa school bilang isang grade 3 student. Simple lang buhay namin pero masaya at kumpleto kami. May kapatid akong kasalukuyang magki-kinder ngayon at ang bunso naman ay tatlong taong gulang pa lang. Habang naglalakad ako ay hindi ko inaasahan na matisod sa naka-usling bato. Kaya ang ending ay napakapit ako sa batang nasa harapan ko at nahila ko siya sa pagbagsak.
"Ouch!" rinig kong daing niya kaya napamulat ako ng mata at tiningnan siya.
"Sorry, sorry, hindi ko sinasadya." paghingi ko ng tawad. Hindi ko naman talaga sinasadya! Kasalan 'to nung bato.
Tiningnan naman ako nung bata kaya napatingin na lang rin ako sa kanya. Maya-maya lang ay bigla itong tumawa kaya napatawa na rin ako.
"Okay lang. Hahaha! That was epic." She mumbled with a smile, kaya napangiti ako.
Hindi pamilyar ang mukha niya sa'kin. Ngayon ko lang din siya nakita dito-mukhang bago lang siya. Tumayo ako at pinagpagan ang suot tsaka siya tinulungang tumayo.
"Pasensya na talaga. Lampa lang talaga ako." Ani ko. Pero nakangiting umiling lang ito sa'kin.
"It's okay lang, I promise." I smiled at her. Ang ganda niya lalo na kapag nakangiti siya.
"Uhm... Bago ka lang ba dito?" tanong ko pa. Napansin ko rin na parehas kami ng uniform na suot.
"Yes! Uhm... Can you be my friend? by the way, I'm Twilight. Ikaw?" She cheerfully said.
Nagulat ako sa tanong niya dahil ever since simula ng pumasok na ako sa school, wala pang nakikipagkaibigan sa'kin. That's why this is the first time na may willing na maging kaibigan ako. Ang saya pala sa pakiramdam.
"I'm Echo." I happily said and extended my little hand. "Friends?"
"Friends!" She said and took my hand.
We shake our hands with a smile on our lips. That day, Twilight and I became best friends.
"Echo!" said Twilight, running while waving her hand. I smiled genuinely and waved back at her. She stops in front of me tsaka ako sinabayan sa paglakad. "Where are you going?"
Months had passed at lalo siyang nakilala. Bagong lipat lang pala sila dito at nalaman ko rin na rich kid siya. Well, halata naman sa pagsasalita niya. Buti lang nakakaintindi ako ng english at medyo nasasanay na ako dahil kung hindi-naku! Nosebleed ang abot ko dito.
"Library. Gagawa ng mga assignment." sagot ko. Nagtaka naman siya pero kalaunan ay tumango rin.
"Okay, samahan kita. May assignment nga pala." sambit niya kaya napatango ako.
Ang totoo niyan ay kaya ako pupunta sa Library para gawain ang assignment na pinapagawa sa'kin ng kaklase namin. Oo, hindi sa'kin 'yun, pero wala naman akong magagawa kundi sumunod na lang. Tsaka ayaw ko ng away 'no. Ayaw ko rin sabaihin ito kay Twilight. Ayaw ko rin naman siyang madamay pa dahil sa akin. Okay lang sa'kin ito, sanay na naman ako dito. Huwag lang sanang madamay si Twili dahil ayaw kong masaktan siya ng dahil sa'kin.
Nang makarating kami sa library ay agad kaming humanap ng mauupuan tsaka ginawa ang assignment namin. Ilang oras ang lumipas at nakatapos na agad ako ng dalawa. Napabuntong hininga ako. May dalawa pang natitira.
"Aish!" napalingon ako kay Twili ng marinig itong suminghal.
Nakita kong nakakunot ang noo nito sa binabasa niya or should I say sa assignment niya. Kanina siya pa dun ah, nakadalawa na ako't lahat habang siya hindi pa matapos doon.

BINABASA MO ANG
Nothing More, Nothing Less
RomanceEcho Monterrey lives a simple life, secretly admiring his best friend, Twilight-even though she's with someone else. His normal life changes during the Festival when he is attacked by gangsters and saved by an outsider. Suddenly, an unexpected event...