Chapter 13: Out of control
~~~~~
KODE
MUSIC CLASS was done. Itutuloy na lang raw sa bukas. And now, we are here at the garden. Vacant naman ang next subject. Sina Zia at Twilight naman ay wala daw ang Prof nila, may sakit kaya wala silang klase. Kanina pa kami dito, ilang minuto na lang at may klase na ulit. Nakahiga ako sa lap ni Twilight ngayon habang ang kamay niya ay nasa buhok ko, hinahaplos at suklay-suklay niya ito gamit ang kanyang kamay.
Ah, this is peace.
I closed my eyes. I heard Zia cleared her throat but I ignore it.
"I have a question to you, Echo nerdy." rinig kong sabi nito napataas naman ang kilay ko.
"Sige lang."
"I'm just curious, anong gagawin mo kapag tinawag ka ni Ins. Veinne?"
oh, I'm curious too.
"Ahh, siguro kakanta na lang." Really? He will sing? I can't wait to hear him singing.
"Magaling kumanta si Echo... kung alam niyo lang." sambit ni Twilight. Right, Kilalang-kilala pala talaga niya si Echo.
"H-hindi naman." shy type eh?
"Really? Can you sing? Kahit kaunti lang." rinig kong sambit ni Zia kaya iminulat ko ang mata ko at umayos ng upo tsaka ako sumandal sa puno at nag-cross arm.
"Tss. Don't force people, b*tch." I said. She just rolled her eyes at me.
"Hindi, okay lang." Sabi ni Echo kaya lalong nagsalubong kilay ko habang si Zia ay ngumisi tsaka niya inilabas ang dila niya.
Hindi na lang ako nagsalita at tumingin sa kalangitan. Okay, so be it. Tumikhim si Echo at inayos ang salamin niya bago magsimulang kumanta.
"May nararamdaman din ako. 'Di kasi manhid na tulad mo"
Napatingin ako sa kanya ng kumanta siya. Si Zia naman ay tumingin kay Twilight na inosenteng nakikinig sa kanta ni Echo.
"Alam kong sanay bumitaw ang isang tulad mo. Lalayo na ba ako?"
Bakit hindi ka na lang lumayo? You're only hurting yourself. I looked at my twin—there was no fault to assign or no villain in this story. No one is to blame when you fell—you just fell for them even not expecting anything, and sometimes, love is like that—beautiful yet painful, a choice and a consequence, a gift and a wound all at once.
"Pano naman ako? Nahulog na sayo
Binitawan mo lang ba talaga ako. Pano naman ako? Naghintay ng matagal sayo" I clenched my fist and bit my lips. "Wala lang ba talaga lahat ng yon sa'yo. Ano na bang gagawin ko,"I looked at Echo, but his eyes were on my twin. Ouch. Relax, heart. You... you’ve been through this before. This is just like the past, right? Okay? F*ck! I tore my gaze away, stood up abruptly, and walked off. I needed to breathe. I heard Zia call out to me, but I didn’t care. I need some air!
The f*ck! Is this jealousy? Argh! D*mn it! I hate this f*ck*ng feeling.
I went to the basketball court again. Kumuha ako ng bola at naglaro doon mag-isa. Tahimik ang paligid at tanging mga talbog lang ng bola ang nakikinig dito. I shoot, dribble, and do some tricks. Then, I shoot the ball again, pumasok naman ito. Ginawa ko ulit ito, pero ngayon ay magda-dunk ako at nagawa ko naman 'yun ng walang kahirap-hirap. Nang lumapat ang paa ko sa sahig ay agad kong kinuha ang bola at tumakbo papunta sa kabilang ring habang nag-dridribble ng bola gamit ang iba't ibang style ng pag-dribble.

BINABASA MO ANG
Nothing More, Nothing Less
RomanceEcho Monterrey lives a simple life, secretly admiring his best friend, Twilight-even though she's with someone else. His normal life changes during the Festival when he is attacked by gangsters and saved by an outsider. Suddenly, an unexpected event...