21

11 6 0
                                        

TW: Child Abuse, Violence. 

Chapter 21: Trauma

~~~~~

Hingal si Kode na tumigil sa pagtakbo nang matanaw ang pamilyar na pigura ng isang lalaki. Halos malibot na niya ang buong campus para lang mahanap ito at sa wakas nakita na niya ang hinahanap niya.

Nakaupo ito sa damuhan at nakasandal sa building habang nakaunan ang ulo sa mga tuhod nito. Dahan-dahang lumapit sa pwesto ni Echo si Kode. Nang makalapit ay agad na sumandal si Kode sa pader malapit sa inuupuan ni Echo na hindi napansin ang pagdating ng dalaga.

Tumingin si Kode sa kalangitan at ngumiti ng mapait bago siya kumanta. "I'm only one call away. I'll be there to save the day. Superman got nothing on me. I'm only one call away"

Kanta niya na nagpagulat kay Echo. Inangat ni Echo ang mukha niya at gulat na tiningnan si Kode na nasa may tabi niya na pala ng hindi niya nalalaman.

"Call me, baby, if you need a friend
I just wanna give you love. C'mon, c'mon, c'mon"

"K-kode.." ngumiti lang si Kode kay Echo tsaka nagpatuloy sa pagkanta.

"Reaching out to you, so take a chance. No matter where you go, know you're not alone"

Para naman may mainit na humaplos sa puso ni Echo dahil sa kinakanta ni Kode para sa kanya. Napakagat si Echo sa labi habang manghang nakatingin kay Kode.

"I'm only one call away. I'll be there to save the day..Superman got nothing on me. I'm only one call away"

'She's here again...' isip ni Echo habang nakatingin kay Kode na na busy sa pagkanta habang nakatingin sa kalangitan.

Natigilan si Echo ng magtama ang mata nila ni Kode. Ngumiti naman si Kode na parang nagsasabi na 'Magiging okay lang ang lahat, nandito ako.'

"For now, we can stay here for a while. Cause you know, I just wanna see your smile. No matter where you go, know you're not alone" Umupo si Kode sa tabi ni Echo habang patuloy na kumakanta. "I'm only one call away

I'll be there to save the day
Superman got nothing on me
I'm only one call away"

Ngumiti si Kode at kinuha ang ulo ni Echo tsaka pinatong sa balikat niya. "When you're weak I'll be strong. I'm gonna keep holding on. Now don't you worry, it won't be long. Darling, if you feel like hope is gone. Just run into my arms"


Kanta ni Kode na nagpakalma kay Echo. Pumikit si Echo at unting-unti na sumilay sa labi ang isang ngiti. Naka-akbay ngayon si Kode kay Echo at pinapat nito ang ulo ni Echo habang siya ay patuloy pa rin sa pagkanta hanggang sa matapos ito.


"I'm only one call away, Clumtie."

ECHO

NANG OKAY na ang pakiramdam ko ay agad akong umalis sa pagkakasandal kay Kode.

"Sometimes its better to let someone go." Bulong niya sa akin bago ako umalis sa pagkakasandal sa kanya.

Napayuko na lang ako at tumango. Tama naman siya e. Inangat ko ang ulo ko para tingnan ang reaction niya. At blanko lang itong nakatingin sa akin kaya napanguso ako.

Nothing More, Nothing Less Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon