40

13 5 0
                                        


Chapter 40: Day with him

~~~~~

"Ayos ka lang, Echo?" tanong sa'kin ng nag-iisang babae sa grupo namin.

"Oo, salamat." sagot ko dito at kinuha ang cold compress na binigay niya.

Inilapat ko iyon sa may labi ko na may pasa. Matapos kasi ang pagsabog na nangyari sa arena ay sa kabutihang palad wala namang kritikal ang kalagayan. Kasalukuyang nasa Hide Out kami; ginagamot ang mga sugat.

Alas tres na at hindi ko alam kung makakauwi ako ng ganito ang ayos. Hindi ko alam ang idadahilan ko kay papa kapag nakita nila ang itsura ko ngayon.

Pero kailangan kong makauwi bago pa nila malaman na umalis ako.

Nagpaalam na ako sa mga kasama ko at agad na tinungo ang daan pauwi. Nang makauwi ay dahan-dahan 'kong binuksan ang bintana at doon dumaan.
Bago ako pumasok sa kwarto ko ay dumaan muna ako sa alkansya naming pamilya at inilagay doon ang pera na napalanunan namin kanina.

Kunti na lang at makakapag bayad na kami para sa operasyon ni mama.
Nang matapos ay agad akong tumungo sa kwarto namin ni Elvis tsaka dahan-dahan na humiga. Doon ko lang naramdaman ang pagod at tuluyan na akong nilamon ng kadiliman.

Paulit-ulit lang ang nangyari sa mga nagdaang araw at sa wakas natapos na rin ang operasyon ni mama at nakapagbayad na kami. Sobrang tuwa ni papa dahil doon, lalo na ako. Sa wakas lahat ng pinaghirapan ko ay nagamit na namin.

Ilang araw ang lumipas bago si mama makalabas sa hospital. Gaya ng dati sumasali pa rin ako sa mga laban para sa pag-aaral ko. Katulad lang ng dati madaling araw na akong nakakauwi sa bahay. Nang makapasok sa loob ay agad akong naglaglag sa alkansya.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto namin ni Elvis bago pumasok. Nakahinga ako ng maluwag ng walang nakapansin na wala ako dito kanina.

Pero 'yun ang akala ko.....

"Saan ka galing?"

*Alarm clock sounds*

Agad akong napamulat ng mata ng marinig ang alarm clock ko na tumunog. Yung panaginip ko, tila parang totoo na naman. Kasi totoong nagkasakit si mama pero hindi ako makapaniwala na magagawa ko 'yun-kung ako man talaga yun.

Parang may kulang talaga sa memorya ko...?

Umiling na lang ako at hindi iyon inisip pa. Ini-stretch ko ang kamay ko bago ako bumaba sa kama at maligo. Nang matapos ay agad akong lumakad sa kusina para kumain na lang may luto na pala. Kaya umupo na lang ako at kumuha ng makakain.

May sakit si Kode. Kung hindi ko pinagdikit ang mga noo namin ay hindi ko pa malalaman iyon. Kailangan kong pumunta sa kanyang condo para i-check ang kalagayan niya. Ayaw ko sanang umuwi at iwan siyang mag-isa doon kaso siya mismo ang nagtaboy sa'kin kaya wala na akong nagawa.

Master ko siya e, sino ba ako para 'di siya sundin?

"Pupunta ka kay Kode?" tumango ako sa tanong ni papa na nagbabasa ngayon ng newspaper.

"May sakit po kasi si Kode. Kailangan niya ako ngayon." sabi ko.

Tumango si papa at binaba ang binabasa niya tsaka ako binigyan ng isang ngiti. Tinap nito ang balikat ko. "Mabuti, hays. Binata ka na talaga. Parang noon lang inakala ko pang bakla ka."

"Papa!"

"Biro lang." sambit nito at tumawa.

"Ako rin, kasi naman anak.... wala ka man lang pinapakilala sa amin na babae e." Sabi ni mama at tumawa.

Nothing More, Nothing Less Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon