Chapter 25: Zeiron and Haven
~~~~~
Hindi ko ata kayang makita siyang ganito.
A moment has passed. I was stunned nang tumahimik siya. "Kode?"
Sinilip ko ito at nakita kong nakatulog na pala ito. Napabuntong hininga na lang ako at inayos siya ng higa, ngayon ay naka-unan na siya sa lap ko. Buti naman nakatulog ito. Inalis ko ang ilang hibla ng buhok niya sa mukha at napangiti na lang ako nang makita ang maamo niyang mukha.
I sighed at napatingin sa kalangitan. Ilang minuto kaming nasa ganoon ang pwesto bago ko napagpasyahan na dalhin siya sa condo niya para makapagpahinga ng maayos. Binuhat ko ito ng pa-bridal style tsaka ako lumabas at bumaba na. Nasa hallway na ako nang makasalubong ko si Zia. Agad na rumehistro ang gulat sa mukha nito nang makita si Kode.
"What the---what happened to Kodee?" alalang tanong nito.
"Nakatulog lang." sambit ko.
"Saan kayo pupunta?"
"Dadalhin ko sana siya sa Condo niya."
"Condo? Alright. Hatid ko na kayo. Handa ko lang yung kotse ko." sambit nito bago umalis. Tumango lang ako at nagpatuloy sa paglakad.
Nasa may labas na ako ng entrance ng campus ng makasalubong ko sina mama at papa, gaya ni Zia nagulat rin sila nang makita si Kode.
"Jusmeyo! Echo, anong nangyari kay Twilight?" gulat na tanong ni Mama.
"Ma, si Kode 'to." napakamot naman siya sa ulo.
"Siya, siya. Anong bang nangyari kay Kode?"
"May nangyari kasi, Ma at ayun nakatulog dahil sa pagod." tumango naman si mama at papa.
"Hatid ko lang po siya sa condo niya para makapagpahinga na ng maayos, ma, pa." paalam ko.
"Oh, siya sige." pagpayag ni mama.
"Alagaan mo ng mabuti ang batang 'yan, Echo." sambit ni papa. Tumango ako.
"Sige po, alis na po kami." paalam ko ulit tsaka naglakad na.
"Mag-ingat kayo!"
"Opo!"
Nang makababa ako ay agad kong natanaw ang kotse ni Zia na tumigil sa harap ko. Bumaba naman siya at binagbuksan kami kaya naman pumasok na ako sa loob at inaayos ang upo ni Kode. Sinandal ko ang ulo niya sa balikat ko. Pumasok naman si Zia sa driver seat at binuhay na ulit ang makina tsaka kami bumyahe.
"Ano ba talagang nangyari, Echo?" tanong ni Zia habang nagmamaneho.
"Inatake na naman siya ng trauma niya kanina."
"What?! How?"
"Sa mommy nila Twilight."
Natahimik naman siya sa sinabi ko. Napabuntong hininga na lang ako dahil hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari noon kay Kode. Hindi ko maatim na muntik na siyang mamatay sa kamay pa ng s-sarili niyang ina. Napakuyom naman ang kamao ko.
Nabalik lang ako reyalidad ng tumigil ang sasakyan. Nandito na pala kami. Binuksan ko ang pinto at binuhat muli si Kode. Hindi naman mabigat si Kode, hindi rin magaan, sakto lang ang bigat niya kaya hindi ako nahihirapan. Si Zia naman ay naunang naglalakad. May spare key pala siya ng condo ni Kode. Buti na lang, nang mabuksan niya ang pinto ay agad ko si Kode na inihiga sa sofa niya.
"Is it okay to you na maiwan dito? Babalik ako sa campus at e-excuse ko na rin kayo kay HM." tumango ako dito. "I'm counting on you, nerdy. Take care of that b*tch."

BINABASA MO ANG
Nothing More, Nothing Less
RomansaEcho Monterrey lives a simple life, secretly admiring his best friend, Twilight-even though she's with someone else. His normal life changes during the Festival when he is attacked by gangsters and saved by an outsider. Suddenly, an unexpected event...