49

10 4 0
                                        

Chapter 49: Twisted Fate

~~~~~

ZIA

"Argh! Ayoko na!" Marahas kong binato ang phone ko sa kama at tumigil sa paglalaro ng Call of Duty.

Naii-stress na ako sa mga nangyayari ngayon. Naglalaro ako ng COD para hindi yun isipin kaso lalo ko lang atang naisip mga nangyayari ngayon. Aish!

"Hey! Hey, Calm down." biglang may nagsalita.

Nagulat ako nang makita si Devin na nasa kama hawak ang cellphone ko mukhang sinambot niya. Agad akong napasimangot nang makita siya, akala ko umalis na itong tukmol na ito. Nandito pa pala, tsk!

Napaisip naman ako bigla, sobrang daming nagbago nitong nakaraan araw. Sobrang laki nang pagbabago ng kambal. Kay bitch alam ko ang nangyari pero sa kakambal nito ang hindi ko alam. Naging sobrang tahimik at lantang gulay na kasi si Kadee nitong mga araw.

Tinatanong ko si Kodee sa text kung bakit niya ako iniiwasan, I mean bakit niya kami iniiwasan at palaging absent na ito at napapalagalitan ng mga Prof? Pero hanggang ngayon wala pa rin itong reply.

"I miss them..." I murmured.

I heavily sighed at humiga sa mini sofa ko nang patihaya. Nilingon ko si Devin na nakaupo sa kama ko habang nagbabasa ng librong tungkol sa Law.

"What are you doing here?" I asked tumingin naman siya sa'kin at sinara ang binabasa.

"Visiting my girl, obviously."

Agad akong napaupo sa sinabi niya.

"Ulol! My girl mo mukha mo." Sabi ko at binigyan siya ng middle finger.

He chuckled. "You're really cute when you're annoyed." napataas ang isang kilay ko at nag-cross arm.

"Walang nagtatanong, Duh!" Sabi ko at umiwas ng tingin.

Putcha! Bakit parang kinikilig ako? Naknang! Fuck him, napakalandi!

Napatingin naman ako sa picture frame na nasa harapan ko. Kasama ko si Kodee doon. Naka-smile siya ng maliit yung hindi kita ang ngipin samantalang ako ay naka-akbay sa kanya habang naka-🤞ganyan ang sign tapos nakangiti ako na parang ngisi, hindi lahat ng ngipin ko ay kita.

Tangina, na-miss ko na si Bitch. Napahilamos na lang ako sa mukha dahil sa frustrate. Bakit ba nangyayari samin ito? Ang saya saya namin nitong pasko at bagong taon tapos ngayon? Wala na.

"Z, stop stressing yourself." rinig kong sabi ni Devin at naramdaman kong lumapit ito sa'kin tsaka tinap ang likod ko.

Umangat ang tingin ko sa kanya at saglit siyang tiningnan, lumihis ang tingin ko sa may likod niya kung saan nandoon ang calendar ko dito sa unit ko. Ilang araw na rin akong hindi umuuwi sa bahay eh. Biglang nanlaki ang mata ko ng makita ang date ngayon.

Napatayo ako. "Damn, today is my bitch birthday!"

No, Hindi lang pala siya. Si Kadee rin. Damn it! Bakit ngayon ko lang naalala? Napatampal ako sa noo ko at agad na hinanap ang phone ko para tawagan si Kodee.

"My phone?! Damn, where's my phone?!" hinanap ko ito nagulat ako ng hawakan ako ni Devin sa balikat at pinigilan akong maghanap.

"Silly, nasa akin. Tsk!" sambit nito at pinitik ang noo ko bago ibigay ang phone ko.

"Thanks, D!" umupo ako at agad na hinanap ang contact ni Kodee.

Naramdaman ko na lang na nilalaro ni Devin ang buhok ko at hinayaan ko na lang ito. Nang makita ko ang contact niya ay agad akong tumawag. Agad na kumunot ang noo ko sa narinig.

Nothing More, Nothing Less Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon