Chapter 8: Difference
~~~~~
ECHO
*Kringgggg*
“That's all for today. Paalala lang, yung project niyo is by partners. Kayo na ang bahala kung sino ang kapareha niyo. See you again next week.” paalala nito samin bago siya lumabas ng room.
Isang linggo na ang lumipas matapos ang araw na sabay-sabay kaming kumain kasama ang kakambal ni Twili. Nakilala ko rin si Zia, yung kaibigan ni Kode na tumulong sa akin at nakapagpasalamat na ako dito.
Naalala ko pa ang nangyari noon.
“May bayad 'yun, hindi pwedeng libre.” Sabi ni Zia sa akin matapos kong magpasalamat.
“A-ano...” utal kong sabi. Wala naman akong malaking perang pambayad eh.
“Stupid, bitch! Hahaha! Don't mind her.” Sabi ni Kode, umirap naman si Zia dito.
“Tss, pwede na yung pagkain mo na 'yun. Mukhang masarap.” sambit nito, agad akong tumango. Iyon lang pala.
“Woah, it's tasty!” manghang sabi niya sa Pinakbet na luto ni Mama.“Really? Let me try.” sambit ni Kode at tumikhim. Her eyes sparkled at tumango-tango. “Hmm, this is so delicious!”
Natawa naman kami ni Twili sa reaksyon ng dalawa. Parang ngayon lang nakatikim nun ah.
“Next time... Dadalhan ko kayo ng luto ni mama, bilang pasasalamat na rin.” Sabi ko.
“Promise! Hahanap-hanapin niyo talaga ang luto ni tita!” sambit ni Twili kaya tumingin silang dalawa dito at tumango.
“Uhm... Kode," Mahinang sabi ni Twili at inilahad kay Kode ang isang box na may lamang cupcakes. "I made it for you.”
“Cupcakes?" nanlalaking mata na sabi niya at ngumiti sa kakambal. "Thanks!”
“You're always welcome, twin.” mahinhin na sabi ni Twili.
Binuksan iyon ni Kode at nagningning ang mata sa nakita. Pero agad rin nawala nang kumuha doon si Zia at walang pasabi na kinain ang isa.
“Hmm... Masarap. Penge ulit.” sambit nito.
“You b*tch!” matalim ang tingin ni Kode kay Zia.
Ngumisi si Zia at tinakbo ang box. Mabilis siyang hinabol ni Kode. Nagkatinginan naman kami ni Twili at napatawa sa kulitan ng dalawa.
“F*ck*ng b*tch! Sh*t! give me back my d*mn cupcakes!”
Agad akong napangiwi ng maalala ang walang filter na bibig ni Kode. Grabe magmura, daig pa ang lalaki. Ibang-ibang talaga siya kay Twili.
Oo nga pala, dahil Friday ngayon more on physical kami, hindi academic na klase. Nakasuot ako ngayon ng p.e. uniform nila. Simpleng jogging pants na kulay itim na may highlights lining sa gilid na tatlo kulay gold ito tapos t-shirt na kulay dark blue na may gold sa tabi ng manggas. May logo sa may bandang dibdib na RIA na kulay gold rin. Ang ganda ng design. Ganun din ang sa mga babae na p.e. uniform.
At ang sinasabi pala na project ni Prof ay photography. Sino naman kaya ang partner ko? Nakita ko ang mga kaklase ko na may mga partners na. Napatingin naman ako sa katabi ko na napapaligiran ng mga kaklase namin.
“Kode, partner na lang tayo.”
“No, ako na lang bebs!”
“Pwedeng ikaw na lang partner ko?”
“Lods, partner tayo.”
“Hindi! Ako ang nauna!”
“Ako!”

BINABASA MO ANG
Nothing More, Nothing Less
RomanceEcho Monterrey lives a simple life, secretly admiring his best friend, Twilight-even though she's with someone else. His normal life changes during the Festival when he is attacked by gangsters and saved by an outsider. Suddenly, an unexpected event...