17

13 6 2
                                        

Chapter 17: Zhoey

~~~~~

ECHO

*Kringgggg*

"Okay, that is all for today. See you next week." huling sambit ng aming Prof bago siya lumabas.

Uminat naman si Kode at nag-stretch ng kamay habang ako ay inaayos ang mga gamit. Tapos na rin ang klase ngayong araw. 5:30 pm na at magsisimula na ang shift ko mamayang 6 pm hanggang 10 pm.

"Echo..." nabalik ako sa reyalidad nang tawagin niya ako sa pangalan ko kaya wala sa sarili ko siyang nilingon.

"Huh?" nasabi ko na lang. Pangalawang beses pa lang niya akong tinawag sa pangalan ko.

"Nothing." Sabi nito at umiling. Kumunot naman ang noo ko pero tumango na lang ako.

Pinagpatuloy ko na ang pag-ayos ko ng gamit. Nang matapos ay sabay kaming lumabas ng room. Sana kayanin ko ito alam kong balang araw mawawala rin ang nararamdaman ko kay Twili.

"Healing takes time." sambit ni Kode kaya napalingon ako sa kanya pero ngumiti lang siya sa'kin at tinap ang balikat ko tsaka naunahang maglakad.

I blinked twice. She's right. Healing really takes time. 

Napangiti ako at humabol sa kanya. Nakasalubong namin sina Zia at Twili sa hallway kaya naman sabay-sabay kaming lumabas.

"I'll get going now, bitch, Echo, Kadee." sambit ni Zia.

"Ingat ka." Sabi ko.

"Take care, Zia." Sabi ni Twili.

"Wag kana mag-ingat." Sabi naman ni Kode.

"Psh. Whatevs!" Sabi ni Zia at inirapan si Kode.

Sumakay na si Zia sa kotse niya. Ang gara ah. Maya maya ay binuhay na ni Zia ang engine nito pero hindi pa siya umalis, ibinaba niya ang wind shield tsaka tumingin kay Kode.

"Oh?" takang tanong ni Kode.

"Di ka sasabay sa'kin?" nakataas ang kilay na tanong ni Zia. Umiling naman agad si Kode.

"Nope, I have my Vinary." Sabi nito. Napakunot naman noo ko.

My vinary? Sino naman 'yun? Sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ako ng inis. Bakit ako naiinis?!

"Okay, ingat kayo ng vinary mo." Sabi ni Zia lalo akong napakunot ng noo.

Tumingin sa'kin si Zia at ngumisi tsaka umiling bago niya itaas ang wind shield at umalis. Okay, ano 'yun?

"Tara na, Twili." Sabi ko kay Twili at naunang maglakad sumunod naman agad si Twili sa'kin.

"Bye, twin. Always careful and take care!" sigaw pa nito.

Tumigil kami sa harap ng gate at hinintay doon si Levi na susundo sa kanya. Bakit ba ako naiinis? Tsk.

"May problema ka ba, Echo?" agad akong umiling kay Twili. Wala naman talaga. Ewan ko ba, bakit ako nainis na lang bigla.

My Vinary. Tsk. Edi magsama sila. Nanlaki ang mata ko dahil sa naisip ko. Shuta! Ano 'yun?! Hindi. Si Twili ang gusto ko. Oo, si Twili. Arghh! Ano bang nangyayari sa'kin! Umiling-iling ako sa naiisip ko.

"Sure ka bang okay ka lang?" mahinhin na sabi ni Twili kaya napalingon ako sa kanya. Siya ang gusto kong hinding-hindi ko maaabot.

"O-oo naman." Sabi ko at saktong may tumigil na kotse sa harap namin tsaka doon bumaba si Levi.

Nagpaalam na kami sa isa't isa gaya ng dati. Tinanaw ko lang sila hanggang sa makalayo na ang kotse nila at doon nawala ang ngiti ko. Naguguluhan na ako sa nararamdaman ko. Oo, nasasaktan ako kapag magkasama sina Twili at Levi pero hindi na ganoon kasakit tulad ng dati. Unti-unti na bang nawawala ang feelings ko kay Twili?

Nothing More, Nothing Less Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon