28

10 6 0
                                        

Chapter 28: Realization

~~~~~

"G-gusto mo pa rin ba siya?" lakas loob kong tanong. Tumingin naman ito sa'kin.

*Bogsh*

"Echo!"

Napapikit ako at hinawakan ang ulo dahil sa sakit. Ikaw ba naman matamaan ng bola. Shutangina naman.

"Shit! I'm sorry, Echo!" rinig kong sabi ni Haven.

"Damn, are you okay?" rinig kong tanong ni Kode sa akin at hinawakan ang ulo ko kung saan tumama ang bola.

Tumango-tango ako bilang sagot. Ayos na, nawala na pagkahilo ko. Tumingin ako sa kanila na nakapalibot sa'kin ngayon. Si Kode na hinahaplos ang bandang natamaan ng bola, si Haven na may humihingi ng pasensya, at sa tabi nito ang jowa niya na naka-poker face na naman.

"Oh my god! Pasensya ka na talaga Echo, Hindi ko sinasadya!" mangiyak-ngiyak na sabi ni Haven at hinawakan ang kamay ko.

"Ayos lang..." I muttered, awkwardly.

"Tsk!" Zeiron hissed and walked away.

"Hands off, Haven." biglang sabi ni Kode kaya napabitaw si Haven.

"Sorry talaga, Echo." Sabi ulit nito, umiling lang ako.

Ayos lang naman talaga. Nakita ko na tinuro ni Kode si Zeiron kay Haven na naglalakad palayo—paalis sa court.

"Ali!" sigaw ni Haven at sinundan si Zeiron.

"Does it still hurt?" napalingon ako kay Kode nang bigla siyang magtanong.

"Ayos na ako, salamat." sambit ko ngumiti ito. "Aray!" daing ko ng pitikin niya ang noo ko.

"Be careful next time, Clumtie." She uttered and walked away.

Hinamas ko naman ang noo ko at tiningnan ang papalayong pigura niya. Agad akong tumayo at kinuha ang bag ko tsaka siya sinundan. Tumigil ako nang makitang kausap niya si Zeiron sa may garden. Ano naman kayang pinag-uusapan nila? At tsaka nasaan si Haven? Akala ko ba sinundan ni Haven jowa niya? Sa halip na lumapit sa kanila ay nagtago na lang ako sa isang puno.

"What are you doing here? And where's Haven?" tanong ni Kode dito pero hindi ito sumagot.

"Tsk." Singhal ni Kode at nilapitan si Zeiron.

Nagulat na lang ako sa sunod na ginawa ni Kode. Niyakap niya si Zeiron at pinat ang likod.

Aray.

Lah, bakit kumirot ka na naman puso? Napakagat ako sa ibabang labi dahil sa nararamdaman ko. Nakita ko lang naman na may binulong si Kode kay Zeiron. Napaiwas ako ng tingin nang yumakap pabalik si Zeiron kay Kode. Hindi ko kayang makita sila kaya lumakad na lang ako paalis.

Bakit ba ako nasasaktan? Eh ano naman kung mag-yakapan sila, 'di ba? Ano bang pake ko? Napatigil ako sa paglalakad nang may maramdaman akong mainit na likidong tumulo sa pisngi ko kaya hinawakan ko ang pisngi ko.

Luha?

Bakit.... Bakit ako umiiyak?

~••~

"1 *clap* 2 *clap* 3 *clap* WE ARE THE R, I, A, N and 'S. We're gonna win, we're gonna fight this game! WOHH! RIA's all in this together!"

"Make some noise, DFU! What are we? DFU! What are we? The legendary! We are the DFU's! now, go away! We strike, we run, we shoot, and say yey! after we win this game! WOHH!!"

Nothing More, Nothing Less Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon