Chapter 15: Denied
~~~~~
TWILIGHT
*SIGH*
“Pang-ilang buntong hininga mo na 'yan, Kadee?” Agad akong napalingon kay Zia at nginitian siya.
“Don't mind me.” Sabi ko lang at nakinig sa Prof namin.
Lately, Levi... my boyfriend is being too busy, to the fact na nakalimutan na niyang may girlfriend siya. I trust Levi, alam kong wala siyang iba. Takot kasi 'yun sa mga babae, kidding! Pero.... may kakaiba kasi talaga sa kanya these days. Feeling ko may tinatago siya sa'kin eh. Aish! I'm not an overthinker. Pero kapag siya ang pinag-uusapan nagiging overthinker ako.
Also, about my twin. I'm not that numb. I can feel that there's something wrong.
For example, yesterday. Akala siguro nila hindi ko napapansin lahat. But ever since we were little, I adored her. She is brave and amazing twin. I know that my twin likes my best friend—Echo. I also ship them hihihi. Botong boto ako sa kanila.
Nabalik ako reyalidad ng biglang mag vibrate ang phone ko. Agad ko itong kinuha at pasimpleng tiningnan ang nag-text. Baka si Levi! Agad nawala ang ngiti ko nang makitang si Mommy ito.
From: Mommy
Louen and I are going to mall later. Mag-kita na lang tayo doon after your class. Okay, sweetheart?
Tumingin ako sa harapan, buti na lang nagsusulat si Prof sa board. Agad akong nagtipa at sinend iyon kay Mommy.
To: Mommy
Okay, Mommy. See you later. Take care po<3
Tapos noon ay binalik ko na sa bulsa ko ang phone. Tumingin ako sa harap at nakinig tsaka nag-take down notes na rin ako. Ilang oras ang lumipas ay natapos na rin ang unang klase namin. Napatigil ako sa pag-aayos ng gamit ko nang bigla ulit mag-vibrate ang phone ko. Kinuha ko ito sa bulsa at binuksan.
From: My other half
Kade, I'm really sorry. I'm just busy with some stuff. Please, don't worry about me, and don't overthink things. Talk to you later, okay? Take care, my other half, I love you.
Napakagat ako sa ibabang labi ng mabasa ang text niya. Some stuff, huh? I'm not a fool, Levi. I know you're hiding something from me.
*Sigh*
To: My other Half
It's okay. I trust you, Levi. I understand. No girls, please. Take care, love you too <333
Pinagpatuloy ko na lang ang pag-ayos ng mga gamit ko. Nag-vibrate naman ulit ito kaya tiningnan ko iyon. Napangiti na lang ako sa text niya. Tumayo na ako at sumunod kay Zia na papunta sa next class namin.
From: My other half
Noted, love. Missing you rn :<
Naabutan ko naman si Zia. Ngumiti ako dito, nagtaka naman siya pero hindi na lang 'yun pinansin at umiling. Hihihi, kinikilig po ako. Ang cute ni Levi maglambing e, hihihi. Naalala ko na naman text niya. Ramdam ko ang pagpula ng pisngi ko at rinig ko na ang lakas ng tibok ng puso ko.
0////0
Siya lang talaga nakakapagparamdam nito sa'kin.
•••
ECHO
Nakatingin lang ako ngayon kay Kode. May kakaiba sa kanya ngayon. Sobrang cold niya at tahimik. Hindi ako sanay doon, nasanay ako sa mapang-asar, pilya, at palaging nakangisi na Kode.
BINABASA MO ANG
Nothing More, Nothing Less
RomanceEcho Monterrey lives a simple life, secretly admiring his best friend, Twilight-even though she's with someone else. His normal life changes during the Festival when he is attacked by gangsters and saved by an outsider. Suddenly, an unexpected event...
