50

15 4 0
                                        

Chapter 50: Truth

~~~~~

        “NASAAN ba kasi yung babaeng yun.... kinakabahan na ako.” Puno nang pangamba ang boses ni Zia ng magsalita ito habang nasa byahe sila ni Devin.

Kinuha ni Devin ang kamay nito at hinawakan tsaka marahang pinisil na parang nagsasabi na nandito lang ako o makikita rin natin siya. Tumigil ang kotseng sinasakyan nila sa kadahilanang may traffic.

Agad na nagtaka ang dalawa sa hindi malamang dahilan at biglang kinabahan si Zia nang marinig niya ang sirens ng ambulansya sa unahan kung saan may mga taong nagtitipon. Tulalang bumaba si Zia sa kotse at tumakbo sa unahan para matingnan ang nangyayari. Hindi siya mapalagay. At sana mali ang iniisip niya.

“Zia!” sigaw ni Devin at lumabas rin tsaka sinundan si Zia na hindi siya pinansin at patuloy pa rin sa pagtakbo papunta sa unahan.

Sabay na napasinghab sina Devin at Zia sa nakita nila. Isang truck at isang kotse na nagbanggan; lalo nagulat ang dalawa nang makita ang kalagayan ng kotse na nayupi ang unahan.

Madaming nanonood, may nagvi-video rin at bulungan na naawa sa mga biktima ng nangyaring aksidente. Inilalabas ngayon ang duguang katawan ng isang babae na nakasakay sa kotse at maingat na inilagay sa stretcher.

Kasabay ng paglakas ng tibok ng puso ni Zia ay panghihina ng katawan niya nang makita ang pamilyar na katawan nung babae. Para itong nabingi at natulala na lang habang nakatingin sa katawan na iyon. Hindi na namalayan ni Zia na napaluha siya lalo na ng makumpirma niya na ito nga ang kaibigan niya dahil sa suot nitong bracelet.

“Z, Are you---” Napatigil sa pagsasalita si Devin nang nanginginig na hinawakan ni Zia ang polo nito dahil sa sobrang panghihina ng katawan nito.

“K-Kode...” Lalong naiyak si Zia ng ipinasok na ito sa loob ng ambulansya.

“What?”

Umiiyak na hinarap ni Zia si Devin habang nakahawak pa rin siya dito.
“T-tangina. D... si Kode... a-ang daming dugo... S-si K-kode..” Zia said while sobbing. Bumigat din ang paghinga nito.

“Shh... Z, calm down.” Sabi Devin at pinakalma si Zia.

“Breathe, enhale, exhale... Okay, calm down.” Sinabayan naman ni Zia si Devin sa sinabi nito upang pakalmahin ang sarili niya.

“K-kode....” She sniffed and looked at Devin. “P-puntahan natin siya. Please.... Si K-kode. ”

“Of course, pupunta natin siya. Just calm down.” Tumango si Zia at niyakap naman siya ni Devin.

Isang saglit ay bumalik sila sa sinasakyan nila para makapunta sa pinakamalapit na hospital. Agad na nag-u turn si Devin at dumaan sa shortcut. Napatingin naman si Devin kay Zia na umiiyak pa rin at tulala lang habang nagdra-drive siya. Mababasa sa mata ni Devin ang pag-aalala. Inilapat niya ang paningin sa harapan.

~•~•~

ECHO

Napatigil ako bigla sa hindi malamang dahilan. Bakit bigla akong kinabahan? Shuta! Sana walang mangyaring masama ngayon. Please....

Dumoble ang kaba ko ng biglang may nabasag na bowl si Ma'am Sunny. Bumakas sa mukha nito ang kaba at takot habang nakatingin sa basag na baso sa gilid niya.

“Manang, paki-ayos po dito.” sambit ni Twilight.

“Hon, are you okay?” Dahan-dahang tumango naman si ma'am Sunny.

Nothing More, Nothing Less Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon