Chapter 12: Epic
~~~~~
ECHO
PANGATLONG LINGGO pa lang namin nakakasama sina Kode at Zia pero kumportable na kaming lahat sa isa't isa. Masasabi kong kakaiba talaga ang kanilang pagkakaibigan. May minsan kasi na nag-aaway sila, nagmumurahan, at madalas ay nagba-bardagulan sila. Normal lang daw iyon sa kanila, kasi bonding raw nila iyon. Ang weird lang.
"You did a great work, Mr. Monterrey and Ms. Mizuki... I really love your work. Keep it up!"Nagkatinginan kami ni Kode, ngumiti ako sa kanya, ngumiti rin naman siya pabalik at tumango tsaka itinaas ang kamay niya. Nagtaka pa ako ng una pero sa huli ay na-gets ko ang nais niyang mangyari.
Nag-high five kami.
Nawala ang ngiti ko nang makita ang titig sa akin ni Kode na mariin parang tagos hanggang kaluluwa ko. Nagtaka ako dito at kinunutan siya ng noo.
"Bakit?" kinakabahan kong tanong.
"Are you really okay?" seryosong tanong nito.
Nagtaka ako nung una sa tanong niya, pero bigla kong naalala ang nangyari noong sabado. Agad akong namula nang maalala yung yakap at pagkanta niya. Pero.... laking pasasalamat ko sa kanya kasi dahil doon gumaan ang pakiramdam ko.
Her voice was great and I felt safe in her arms for some unknown reason. Her voice was really angelic tapos malambing pa and that's comforting me that day. Agad akong napailing sa naisip ko. Ano ba itong iniisip ko?
"A-Ah. Oo, naman." Sabi ko at mahinang tumawa.
"Okay. Anyway, are you sick? You're so red." takang tanong niya.
Nanlaki ang aking mata at payak na ngumiti. "H-hindi. Ano lang 'to, uhm, Mabanas kasi, Oo! Mainit panahon ngayon e,"
She tilted her head habang may pagtataka sa mukha pero kalaunan ay tumango rin.
"You're weird, Clumtie." sambit niya lang bago pinasak sa tainga ang headphone niyang nakasabit sa leeg niya palagi.
Clumtie? Anong meaning nun? Eh, hayaan na nga.
Napahawak ako sa may dibdib ko. Bakit ang lakas pa rin ng kabog nito? Ganitong-ganito ang nararamdaman ko kay Twili sa tuwing nagtatama ang tingin namin at nagkakadikit ang mga balat eh. Pero ano ito? Ah, baka kaba at hiya lang.
NANDITO kami ngayon sa Cafeteria kumakain, wala ang kambal dahil magre-restroom daw sila. Kaya kami ngayon ni Zia ang naiwan sa table.
"Matanong ko lang, Echo. Ilan taon na kayong magkakilala ng kambal ni b*tch?" biglang tanong niya sa'kin.
"Almost twelve years na rin." Sagot ko at uminom ng tubig.
"Woah, that long? The hell! No wonder you like Twilight." muntik na lang akong masamid dahil sa walang prenong sabi nito.
"A-ano?" gulat na tanong ko. Ngumisi siya at nagpahalumbaba.
"Duh! It's obvious naman pero ang manhid si Twilight. What a shame." nailing na sabi niya at tinusok-tusok ang pagkain niya.
"Mas mabuti na 'yun. Ayaw ko naman masira pagkakaibigan namin dahil doon. Isa pa, may boyfriend na siya at tanggap ko na naman." mahabang sabi ko tsaka ngumiti ng totoo, napanganga naman siya.
"What the f*ck?! Poor b*tch." Sabi nito. Nang makita naman niya akong nagtataka ay ngumiti lang ito.
"Kayo ni Kode, ilang taon na kayong magkakilala?" tanong ko.

BINABASA MO ANG
Nothing More, Nothing Less
Roman d'amourEcho Monterrey lives a simple life, secretly admiring his best friend, Twilight-even though she's with someone else. His normal life changes during the Festival when he is attacked by gangsters and saved by an outsider. Suddenly, an unexpected event...