Chapter 5: They're Back!
~~~~~
"Nagbalik na si Kode?"
(A/N: Basa nga po pala sa Kode ay hindi Kodi. Kode pronounce as code po.)
"Hindi. Kamukha lang bhe.""Weh? Si Kode yun e. Imposible na kamukha lang."
"Ah, Ewan ko. Kahit ako nalilito."
Tumigil kami ni Twili sa tapat ng dalawang nagbubulungan. Tumahimik sila at lumingon sa amin.
"Pwede ba magtanong?" tanong ko sa kanila.
"Nagtatanong ka na naman 'di ba?" sambit nung isang babae at agad siyang siniko ng kaibigan niya. Ngumiti lang ako ng pilit. Ang attitude ah!
"Don't mind her. Sadyang ganoon talaga siya. Ano ba ang itatanong mo?" tanong nito sa'kin. Magsasalita na sana ako ng maunahan ako ni Twili.
"We're just new here, kaya po hindi namin alam kung saan ba yung headmaster office? Can you tell us where is it po?" magalang na sambit ni Twili na nagpanganga sa dalawang magkaibigan. OA naman nila.
Nagkatinginan ang dalawang magkaibigan at tumango sa isa't isa. Narinig ko pang bumulong yung isa ng 'Hindi nga siya' sino naman tinutukoy nun?
"U-uhm... Just straight ahead and turn left kapag nasa pangatlong room na kayo." sambit nito samin. Ngumiti naman si Twili at tumango.
"Thank you so much po for the help!" she cheerfully said, then hold the hand of the girl. Nagulat ang babae pero ngumiti na lang rin. Tumalikod na kami at lumakad.
"Sh*t! Parang siya rin ah."
"I know right."
"But.... Ang dami nilang pagkakaiba."
Rinig ko pang bulungan ng dalawang babae. Ops! Hindi ako chismoso, sadyang narinig ko lang dahil medyo malakas bulungan nila. Sinunod namin ang sinabi ng babae. Nang makarating kami ay agad akong kumatok. Ilang sandali pa ay may bumukas ang pinto.
"Are you the two exchange student?" tanong samin nung babae. Tumango naman kami.
Ngumiti samin ito at binuksan nito ang pinto ng malaki kaya pumasok na kami. Woah, ang lawak naman dito, may mini library pa. Sobrang yaman naman talaga ng may-ari ng school na 'to.
"Headmaster, they're here." sambit nito sa isang lalaking busy sa mga papel sa mesa niya.
Umangat ang mukha nito at tiningnan kami. Tumango ito at umayos ng upo. May hitsura siya kahit nasa 30's na.
"Have a sit" sambit nito kaya umupo kami. Magkatapat kami ngayon ni Twili ng upuan sa harap ng table ni Headmaster.
Nakita kong sinenyasan niya ang babae. Nag-bow naman ang babae tsaka siya lumabas. Tumingin ako sa paligid napakaganda.
"Ehem! So, let me introduce myself. I'm the headmaster, Travis R. Luther is the name. Just call me HM or Headmaster." pakilala nito.
"Nice to meet you po, Headmaster." nakangiting sabi ni Twili tumingin dito si Headmaster at nagtaka ang mukha habang nakatulala kay Twili.
"Ehem! Introduce yourself." utos nito agad naman akong tumayo.
"I'm Echo Monterrey. 2nd year student. Taking BSBA." pakilala ko. Tumango si Headmaster. Umupo na ulit ako at si Twili naman ang tumayo.
"My name is Twilight Kade Scott. I'm a med student. Same year lang po kami." pakilala niya. Nagtatakang tumango naman si Headmaster.
'Kamukha niya talaga pero mag-iba sila ng pangalan. Nevermind.' the Headmaster Travis thought.

BINABASA MO ANG
Nothing More, Nothing Less
RomansEcho Monterrey lives a simple life, secretly admiring his best friend, Twilight-even though she's with someone else. His normal life changes during the Festival when he is attacked by gangsters and saved by an outsider. Suddenly, an unexpected event...