31

10 6 0
                                        

Chapter 31: Likers

~~~~~

ZIA

Naglalaro ako ng Roblox ngayon dahil ang boring. Wala naman si Kode, hindi ko ma-contact tapos iniwan pa ang motor niya sa school at higit sa lahat wala rin siya sa condo niya.

Missing in action na naman si Bitch.

*knocking*

“Yes?!” sigaw ko sa taong kumakatok habang ang atensyon ay nasa nilalaro pa rin.

“Young lady, nandito na po ang pinapakuha niyong gatas.” Rinig kong sabi ng personal maid ko.

“Sige, pasok!” sigaw ko. Nakinig ko naman ang pagbukas ng pinto at yapak niya. “Pakilagay na lang dyan sa table, Thanks!”

“Pwede ka ng umalis.” sambit ko sa kanya ng matapos niyang gawin ang inutos ko.

“Yes, young lady.” sambit nito at kahit hindi ako nakatingin alam kong nag-bow ito sa'kin. Tsk.

Para naman akong prinsesa.

Pinagpatuloy ko na lang ang paglalaro habang iniinom ang gatas ko. 6:38 na nga pala, wala lang, share ko lang. Nang maubos ko ang gatas ay inilapag ko ito sa tabing table ko at pinahiran ang bibig kong basa tsaka bumalik ulit sa paglalaro. I love playing games, lalo na kung tao ang target ehem!

Napangisi na lang ako ng maalala ang pambubogbog namin ni Bitch sa isang gang na nambully noon kay Echo. Kulang pa nga yun eh, kaso ang hihina nila tulog agad tsk!

Nagsalubong ang kilay ko at napasingal ng biglang tumunog ang ringtone ng phone ko. May natawag, shet! Sino naman yun?

Istorbo!

Inabot ko ang phone ko at napataas ang kilay ng makitang si Zhoey ang tumatawag. Ini-swipe ko na lang ito at bumalik sa paglalaro.

Hello? What's up?” Bungad ko sa kanya. Ano kayang kailangan nitong president namin? Hmm?

[“Come. Near Hospital. 307.”]

*----toot*

Ay bastos!

Pero ano daw.... Nanlaki ang mata ko nang ma-realize ang sinabi niya. Shit! Bigla na lang lumakas ang tibok ng puso ko sa kaba. Anong meron... bakit hospital?!

Aish! Mabilis akong tumayo at nagpalit ng damit. Hindi na ako nagaksaya pa ng oras dahil sa pag-alala. 'Wag naman sanang si Kodee ang nandoon! Nang matapos sa mabilisan pagbibihis ay nag-ala flash akong lumabas ng kwarto ko, bumaba sa hagdan at lumabas sa bahay.

“Young lady saan po kayo?!”

“Young lady!”

Hindi ko na sila pinansin at agad akong umangkas sa big bike ko tsaka pinaharurot ito papuntang hospital. Agad rin naman akong nakarating at agad na tumungo sa room na sinabi ni Zhoey.

Jusko! Ngayon ko lang napansin na para akong buang sa suot ko. Naka-shorts at balikatad ang t-shirt na suot, mali pa ang nasuot kong tsinelas. Magkaibang tsinelas ang suot ko yung isa ay sipit at yung isa ay kulong na may drawing na hello kitty. Punyeta!

Kaya naman pala inapagtinginan ako ng mga nakakasalubong ko. Shit! Nang mahanap ko ang room ay agad akong pumasok sa loob dahil sa kahihiyan.

Letche!

“Pfff!” biglang pigil na tawa niya. Walang iba kundi si President/Queen Zhoey.

“Kingina, 'wag mo akong tawanan.” asar kong saad.

Nothing More, Nothing Less Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon