Chapter 22: Levi
~~~~~
Everyone was stunned because of what happened. Mabilis naman na naligtas ni Echo si Twili na ngayon ay tulala dahil sa nangyari. Habang pinapakalma ni Echo si Twilight ay mabilis na tumalon si Zia sa pool nang makita si Kode na nalulunod. Zia cursed in her mind dahil alam niyang takot ito sa mga pool kaya ng makita niya ito ay hindi na siya nagdalawang isip pa na tumalon.
"It's okay, Twilight.... Ligtas kana." sambit ni Echo pero hindi nagsalita si Twilight at tulala pa rin.
Mabilis na nai-angat ni Zia si Kode na walang malay at itinabi sa may gilid ng pool.
"Sh*t! Kode! F*ck! Wake up!" gising ni Zia dito pero walang nangyari.
Naiiyak na si Zia at nanginginig ang kamay dahil hindi niya alam ang gagawin sa ganitong sitwasyon.
"Fuck you, bitch! Gumising ka!" sigaw pa ni Zia na nakakuha ng atensyon ni Echo at Twilight.
Lumingon pareho si Twilight at Echo sa may likod nila at doon nakita si Zia na ginigising si Kode na walang malay.
Para naman tumigil ang tibok ng puso ni Echo nang makita ang sitwasyon ni Kode.
Mabilis sa alas kwartong tumayo at lumapit si Echo sa gawi nila Kode tsaka pumalit si Echo sa pwesto ni Zia ngayon. Habang si Twilight ay tulalang nakatingin lang sa harapan niya.
"Sh*t! Kode!" sambit ni Echo at nanginginig ang kamay na hinawakan si Kode sa mukha.
"F*ck! Tumawag kayo ng ambulansya!" galit na sabi ni Zia agad naman na sinunod ito ng isang babae.
Pinulsuhan ni Echo si Kode at mabilis na ginawa ang CPR. Nagdadalawang isip pa si Echo kung gagawin niya ito pero sa huli ay ginawa niya dahil kung hindi maaring mawala sa kanila si Kode. Kaya naman ginawa niya ang mouth to mouth CPR kay Kode. Natulala naman si Zia at ilan sa ginawa nito pero wala siyang pakealam. Basta maligtas si Kode 'yun ang importante.
"Wake up, please..." pakiusap ni Echo at inilapat ulit ang labi niya sa labi ni Kode para mabigyan ito ng hangin.
Matapos ay pinump niya ang bandang dibdib ni Kode.
'Please... Kode.' Echo thought.
Inilapit muli ni Echo ang mukha niya sa mukha ni Kode at akmang ilalapat ulit ang labi niya sa labi nito nang iminulat ni Kode ang kanyang mata, dahilan upang mabilis na lumayo si Echo dito.
Habang si Kode naman ay napaubo at inilabas ang tubig na nainom niya. Nanghihina niyang inangat ang tingin at agad na sumalubong sa kanya ang may pag-aalalang mukha ni Echo, sa tabi ay si Zia, at Twilight.
Mabilis na yumakap si Echo kay Kode. "Kode! Thank God! Pinag-alala mo ako."
"E-echo.." sambit ni Kode at ngingiti sana nang may maalala.
Agad niyang naitulak si Echo. Kode was trembling because of fear. Itinakip niya sa tainga niya ang kamay niyang nanginginig.
"No, stop...." Kode begged. Pinikit niya ang mata niya dahil paulit-ulit na nagre-replay sa utak niya ang masamang nangyari sa kanya sa pool sa kamay mismo ng mommy niya.
"Stop, please..." Now she's crying at kitang-kita nila ang nasasaktan na mukha ni Kode. Hindi naman alam ang gagawin nila Echo kay Kode dahil nagtataka rin sila sa nangyayari dito.
"Hey/Kode/Twin." sabay-sabay na taway nina Zia, Echo at Twilight kay Kode pero parang wala itong naririnig.
Napamura at nagulat na lang sina Zia at Twilight ng mawalan ng malay ulit si Kode. Mabilis na naagapan ni Echo si Kode upang hindi ito sumalampak sa sahig.
BINABASA MO ANG
Nothing More, Nothing Less
RomanceEcho Monterrey lives a simple life, secretly admiring his best friend, Twilight-even though she's with someone else. His normal life changes during the Festival when he is attacked by gangsters and saved by an outsider. Suddenly, an unexpected event...
