Chapter 48: Midnight
~~~~~
Naglalakad si Echo sa tabi ng kalsada ngayon matapos niyang umalis at talikuran si Kode ay dito siya pumunta. Tulalang naglalakad ito at malalim ang iniisip. Nabalik lang ito sa reyalidad ng may nabunggo na siya. Agad naman humingi ng tawad si Echo sa babaeng nadanggil niya.
"Sorry." Paumanhin ni Echo. Tiningnan lang naman siya ng babae nang bored bago lagpasan.
"Andrie! Wait lang!" Sigaw ng isa pang babae na tumatakbo at hinahabol ang babaeng nabunggo niya.
At dahil hindi ito nakatingin sa dinadaanan niya ay hindi sinasadyang na danggil ng babae si Echo.
"Omg! Sorry po!" Tumango naman si Echo dito. "Andriette naman! Hintayin mo 'ko!" sambit ng babae tsaka tumakbo at hinabol ang babaeng naglalakad.
Nawala ang atensyon ni Echo doon ng may tumawag sa kanya. Kinuha niya ang phone niya at napatigil na lang ng makita ang callers id. Huminga siya malalim bago sagutin ang tawag at magpatuloy sa kanyang paglalakad.
Kumunot ang noo ni Echo ng makinig ang hikbi nito sa kabilang linya.
"Anong problema? Bakit ka umiiyak? Sino nagpaiyak sayo? masasapak ko talaga 'yun."
["Echo.... Si Levi.."] Natigilan si Echo sa paglalakad.
"Nasaan ka?" agad naman na sumagot si Twilight sa tanong nito.
"D'yan ka lang. Pupuntahan kita." Sambit ni Echo bago patayin ang tawag.
Habang papunta si Echo sa playground kung saan nandoon si Twilight ay bigla niyang naalala ang pabor na sinabi ni Levi sa kanya kung sakaling may mangyari.
"If ever something will happen in the future.... Please, be with her." Echo was stunned.
"Bakit?" takang tanong ni Echo kay Levi.
"You'll understand me someday. Just please be with her at all cost. Huwag mong iparamdam sa kanya na nag-iisa siya." Kumunot lalo ang noo ni Echo sa mga sinasabi ni Levi sa kanya.
"Bakit ganyan ka magsalita? Hindi ka naman aalis 'di ba?" natigilan si Levi sa tanong ni Echo na iyon sa kanya.
Levi smiled. "Hindi naman ako aalis na lang ng walang malalim na dahilan."
"Oo na," Echo smiled.
"Thank you. Just take care of her for me." at inilahad ni Levi ang kanyang kamay may Echo.
"Makaka-asa ka." At inabot ni Echo ang kamay ni Levi tsaka sila nag-shake hands.
Sa isang playground nakaupo si Twilight sa isang bench habang umiiyak. Hindi na niya alam ang gagawin niya. Hindi niya maisip kung bakit nakipag-break sa kanya si Levi at biglang nawala na lang ito nang parang bula. Higit sa lahat, bakit siya iniwan nito nang wala man lang dahilan?
"Twili...." Umangat ng tingin si Twilight ng marinig ang boses ng kaibigan na hinihingal pa.
"Anong nangyari?" Alalang tanong ni Echo sa kaibigan.
Napahagulhol naman si Twilight lalo. Agad siyang nilapitan ni Echo at pinakalma.
"Echo.... L-levi.. broke up with me.. without any reason." Sabi nito sa kaibigan natigilan naman si Echo sa narinig nito. "I was looking for him everywhere... School, his favorite place, at sa condo... wala na siyang gamit sa condo niya... Iniwan na niya ako ng wala man lang dahilan, Echo..."
Nanahimik naman si Echo at biglang napaisip. Yumakap sa kanya si Twilight at niyakap naman niya ang kaibigan niya tsaka tinapik-tapik ang likod nito.
'Is this what you're talking about Levi?' Echo thought at napakagat sa ibabang labi.

BINABASA MO ANG
Nothing More, Nothing Less
RomansaEcho Monterrey lives a simple life, secretly admiring his best friend, Twilight-even though she's with someone else. His normal life changes during the Festival when he is attacked by gangsters and saved by an outsider. Suddenly, an unexpected event...