Chapter 20: ILY~~~~~
ECHO
"Classmate! Behave! Papunta si Pres dito! Magsi-ayos kayo!" saway ng aming Class Representative kaya naman napatigil ako sa paglakad dala ang mga notes namin na kinolekta ko.
Mabilis na umayos ang lahat ganoon din ako. Sa pagmamadali ko papunta sa upuan ay nadanggil ako ng ilan kaya ang ending natumba ako pero 'yun ang akala ko. Naramdaman ko na lang na may kamay na pumulupot sa may bewang ko, gulat akong tumingin kay Kode na nakangiti naman sa'kin.
Tumingin ako sa kabilang kamay niya at nandoon ang ilang notebook na muntik ng malaglag. Mabilis sa alas kwatro akong umayos ng tayo at kinuha ang notebook kay Kode kaso inilayo niya ito at naunang lumakad papunta sa upuan namin. Nakayukong lumakad ako sa upuan namin at na-upo sa tabi niya. Ang lampa ko talaga. Inilapag naman ni Kode sa harap ko ang notebook kaya napatingin ako dun.
"T-thank you.." sambit ko, ngumiti ito at ginulo ang buhok ko na naging dahilan ng pagpula ng buong mukha ko.
"It's nothing." sambit nito at tumingin na sa harapan. Tumango naman ako at humarap na rin sa unahan.
Ilang sandali pa ay bumukas ang pintuan at iniluwa nun si Zhoey kasama ang Secretary niya ata. Lumakad ito papunta sa unahan at humarap samin.
"Good afternoon pres." bati ng iba. Tumango lang siya tapos tumingin sa'kin? Ngumiti ako dito tsaka tumango.
"You are all invited to my brother and I birthday party." straight to the point na sabi nito kaya nag hiyawan yung ilan sa mga kaklase ko.
Sinenyasan naman ni Zhoey yung kasama niya na may dalang invitation card? Tsaka yun ipinamigay isa-isa hanggang sa mayroon na kaming lahat.
"That will be tomorrow. At our house. It's Pool party. 7 pm. Hope you'll come. That's all." Sabi pa ni Zhoey bago siya umalis. Ganoon ba 'yun mag-announce?
Tiningnan ko ang invitation card. Tama pool party nga. Sayang lang at hindi ako makakasama. May trabaho ako nito. Nilingon ko si Kode na hindi mapinta ang mukha at medyo namumutla siya. Magsasalita na sana ako ng biglang dumating ang aming Prof kaya itinabi ko na ang invitation card at nakinig na lang.
May problema kaya si Kode?
Tumingin ako sa harap ng salamin. Nandito ako ngayon sa restroom. Bumuntong hininga ako at inayos ang salamin bago ako lumabas. Nang makalabas ako ay saktong nakasalubong ko si Zhoey. Ilang segundo kaming nagtitigan bago siya umiwas ng tingin. Lumakad na ako at ganoon rin siya.
Bigla siyang tumikhim kaya nilingon ko siya. "Are you coming to the Party tomorrow?"
Napaisip naman ako at umiling. "May trabaho ako. Sorry."
Umiling lang ito. "Nah, you will come. I already talk to your Manager, no need to worry." sambit nito na nagpagulat sakin. Luh, ginawa niya yun?
"P-pero...."
"Shut up. You will come, aren't we friends?" napanguso naman ako sa sinabi nito. Sabi ko nga po.
"Okay po." sukong sabi ko, nakita ko na umangat ang gilid ng labi nito kaya napangiti na lang rin ako.
"May invitation rin kayo?" tanong ni Zia samin habang kumakain kami. Hindi namin kasabay si Zhoey kasi busy sa Council.
"Oo/yes." sabay na sagot namin ni Twili habang tumango lang si Kode na kanina pa tahimik.
"Pupunta kayo?" tanong pa nito tumango naman ako.
"I'll come too. You twin?" tanong ni Twili sa kakambal niyang si Kode.

BINABASA MO ANG
Nothing More, Nothing Less
RomanceEcho Monterrey lives a simple life, secretly admiring his best friend, Twilight-even though she's with someone else. His normal life changes during the Festival when he is attacked by gangsters and saved by an outsider. Suddenly, an unexpected event...