Chapter 3: Exchange student
~~~~~
"ECHO!"
Huli kong narinig bago ako mawalan ng malay. Nagising na lang ako sa clinic namin. Una kong nakita si Twili na natutulog sa may gilid ko habang nakaupo. Ako ang nahihirapan sa pwesto niya.
"Are you feeling okay now?" napalingon ako sa nagsalita na kadadating lang—si Levi.
"Oo, medyo okay na pakiramdam ko." Sabi ko at pinakiramdaman ang sarili. Kaunti na lang ang sakit hindi kagaya kanina.
"That's good." Saad nito ngumiti naman ako. "We're worried."
Nabaling ang atensyon namin kay Twili na nagising. Nang makita niya ako ay agad siyang yumakap sa'kin na kinagulat ko.
"Stupid! You're so stupid! Why didn't you tell me? Ha? Bakit hindi mo sinabi sa'kin na nabu-bully ka?" sunod sunod pang tanong nito. Hindi agad akong nakasagot at tumingin kay Levi.
Umiwas ng tingin samin si Levi at umalis. Shuta! Lumunok ako ay umalis sa yakap ni Twili.
"A-ano.... kaya ko naman." mahina kong saad.
"Ganyan ba yung kaya mo? Nakakainis! Don't do that again, Echo." sambit pa nito napatango na lang ako dito.
"I failed as a best friend. I'm sorry." malungkot na saad nito at yumuko. Shet! Umiiyak siya?
"Hindi! Ikaw kaya ang the best sa lahat. Uyy... Huwag ka ng umiyak... Okay na naman ako eh." kinakabahan na sabi ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko.
Umangat ang ulo niya kaya nakita ko ang mukha niya na may ilang luha. Umiwas agad ako ng tingin.
"Still sorry." sambit niya at pinunasan ang luha.
Nakahinga naman ako ng maluwag ng nagpaalam siya na bibili ng pagkain. Ilang saglit pa ay nakarinig ako ng pagbukas sara ng pinto. Ang bilis naman niya.
"Twi---Levi." sambit ko ng makita ang pumasok. Lumapit ito sa may kama ko at umupo sa katabing kama.
"Bakit?" pigil hininga kong tanong. Sa halip na sumagot ay tiningnan lang ako nito kaya lalo akong kinabahan.
"Do... Do you like my girlfriend?" Napatigil ako sa dahil sa tanong niya at napayuko tsaka napalunok. "I guess you are."
"I'll lie if I say no." sambit ko sa mahinang boses ngunit sapat na para marinig niya.
Tumango-tango siya at tumingin sa labas ng bintana at napabuntong hininga bago tumingin sa akin.
"Can I have a favor?" sambit niya kaya nagtaka ako.
"If ever something happens in the future.... Please, be with her."
FOUR DAYS HAD PASSED at magaling na rin ang ilang mga sugat ko. Tatlong araw ang Festival pero excuse ako doon dahil sa nangyari. At ang mga gumawa naman sa'kin nito ay na-suspended ng ilang weeks at may punishment pa. Sana lang ay magtanda na sila, ayaw ko ng gulo at sana hindi na yun ulit mangyari.
Nang makauwi ako sa bahay noong araw na 'yon ay agad nagalit si mama at papa sa mga gumawa sa'kin nito at mahabang sermonan ang nangyari.
Kesyo daw dapat lumaban ako, dapat nagsumbong, dapat nagsabi, at marami pa.Hayst.
Nakahiga ako ngayon sa kama ko habang nagpapatugtog ng kanta.
Napabaling ang tingin ko sa aking cellphone ng biglang tumunog ito. Agad ko iyon na kinuha at binuksan. May text pala galing kay Twili.From: Twilight
G'evening Echo. Sabi ni Principal diretsyo daw tayo sa office niya bukas may sasabihin daw ito satin. Take care, best friend!

BINABASA MO ANG
Nothing More, Nothing Less
RomanceEcho Monterrey lives a simple life, secretly admiring his best friend, Twilight-even though she's with someone else. His normal life changes during the Festival when he is attacked by gangsters and saved by an outsider. Suddenly, an unexpected event...