Chapter 39: See you again
~~~~~
Again.
Life goes on.
Sa loob ng natitirang araw ni Akira ay magkakasama silang lima. In-enjoy nila ang bawat oras, araw, minuto, at segundo na kasama si Akira. Namasyal sila sa kung saan-saan, habang tulak-tulak si Akira na sakay ng wheelchair sa kadahilanang bawal itong mapagod.
Eclipse band almost spend their time in the hospital. Binabantayan si Akira, nakikipagkwentuhan dito, at inililibot sa paligid. Sa loob ng anim na araw ganoon palagi ang set up nilang lima. Minsan ay dumadalaw ang mga kaibigan ni Kode na sina Zia, Nixie, Nero, Haven, Zeiron, at Zhoey. Madalas rin kasama ni Kode si Echo sa pagbabantay, ito ang pumapalit kay Kode kapag pagod na.
"Akira, can you still fight?" Bulong ni Kode.
December 31 na, at maya-maya lang ay bagong taon na. Gusto sana nilang makasama pa si Akira sa bagong taon kaso sobrang hina na talaga ng katawan ni Akira.
Akira weakly smiled at them.
"I can-I will fight." mahinang sambit nito habang may oxygen sa ilong. Nagsimulang tumulo ang luha ni Akira habang nakatingin aa mga bandmates/kaibigan niya.
"I don't want to leave you all." Naiyak na rin ang kambal dahil sa sinabi nito. "I'm going to miss you all."
"Aki! Don't say that. W-we.. we are still going to celebrate our new year together, right?" Hindi nagawang sumagot ni Akira sa tanong ni Riley.
Hindi na nakayanan ni Kode ang tensyon sa loob kaya lumabas ito sa para magpahangin. Pumunta ito sa may gilid ng hospital at doon kinuha niya ang kanyang sigarilyo sa bulsa at sinindihan. Yes, she smokes pero kapag stress lang at kapag may problema siya. Nakailang palabas na siya ng usok na galing sa sigarilyo habang nakasandal sa pader.
Sa kabilang banda ay papasok sana si Echo sa loob ng hospital nang makita niya si Kode na naninigarilyo. Napatiim baggang ito at nakakunot ang noo na lumapit sa pwesto ni Kode. Nakatakip sa ilong ang kamay ni Echo habang papalapit siya kay Kode. Nang makalapit siya ay agad niyang inagaw kay Kode ang hawak nito ng akmang hihithit ulit ito. Itinapon ito ni Echo sa lapag at inapakapakan.
"Hey!" Kode hissed, startled.
"Kode! W-what are you doing to yourself? Masama ito sa kalusugan mo!" sermon niya sa dalaga pero hindi nagsalita si Kode at nakatingin lang sa kanya.
Para naman natumaw ang puso ni Echo ng makita ang pagod na mata ni Kode. Malalim itong bumuntong hininga at kinuha sa kamay ni Kode ang lighter at siya ang nagtabi nun.
"Ayos ka lang?" Hindi nagsalita si Kode bagkus ay tumango lang.
'Sinungaling' Ramdam ni Echo na hindi okay ito kaya lumapit siya dito at marahang niyakap.
"Pwede ka naman umiyak kung nasasaktan kana. Kung sobrang sakit na at pagod kana, tumakbo ka lang sa'kin at ako na ang bahalang lumaban para sa'yo." Yumakap pabalik si Kode dito at hindi na lang nagsalita. "Basta tandaan mong sa laban na ito, kasama mo ako,"
Ilang minuto ang lumipas bago sila umalis sa yakap. Agad na inilahad ni Echo ang kamay niya kay Kode.
"Akin na." seryosong utos sa kanya ni Echo.
Na-gets naman agad ito ni Kode. Ngumuso si Kode at kinuha sa bulsa ang isang pack ng sigarilyo. Tiningnan ni Echo ang laman nun at may bawas na itong apat.
"Ha, naka-apat ka na ah. Hindi ka na makakagamit ulit nito." Echo mumbled at itinabi iyon para matapon na niya mamaya.
"I'm sorry." Sambit ni Kode. Ginulo ni Echo ang buhok nito at umiling.

BINABASA MO ANG
Nothing More, Nothing Less
RomanceEcho Monterrey lives a simple life, secretly admiring his best friend, Twilight-even though she's with someone else. His normal life changes during the Festival when he is attacked by gangsters and saved by an outsider. Suddenly, an unexpected event...