Chapter 54: At last
~~~~~
ILANG araw na ang lumipas at ngayon ay buwan na ng mga puso — February. Kaya naman overtime ako sa Restaurant. Sa sobrang daming customer ay hindi na ako at mga staff ko nakakapagpahinga ng maayos.
Pero ayos lang yun. Masaya ako dahil marami na ang madalas kumain dito. Ang pangalan pala ng restaurant na pagmamay-ari ko ay Tri-E Restaurant.
Bakit Tri-E? Sa pangalan ng aming magkakapatid. Echo, Elvis at Elli.
"Boss! Pahinga ka na muna."
"Kami na po bahala dito."
Ngumiti ako sa kanila at tumango. Medyo masakit rin ulo ko eh kaya agad rin akong sumunod sa gusto nila.
"Thanks." pasalamat ko bago lumabas ng cooking area.
Nag-ba bow naman sakin ang mga staff na nakakasalubong ko bilang pag respeto. Hays. Pumunta na lang ako sa office para mag-palit ng damit.
Tinanggal ko ang coat at itinupi ang manggas ng long sleeve na puti. Niluwagan ko rin ang neck tie ko at inun-button ang dalawang botones sa itaas.
I heavily sighed and massage my temple.
Pumunta ako sa first aid kit ko at naghanap ng gamot pero wala akong nakita. Ibinalik ko na lang ito at kinuha ang phone at wallet. Sa labas na lang ako bibili.
Lakad lang ako ng lakad papunta sa malapit na botika. Alam ko meron dito eh. Lumiko ako at nadaanan ang playground.
Tumingin ako doon at nakita na may mga batang naglalaro. Napangiti ako. Lumakad na lang ulit ako at bigla akong nakarinig sa kung saan ng tunog ng gitara? Hindi, electric guitar ata yun eh.
Tumingin ako sa gawi ng tumutugtog na iyon at doon nakita ko ang mga bata na nanonood sa pagtugtog noong hindi ko malaman kung babae ba ito o lalaki kasi hindi ko makita ito dahil natatabunan siya ng mga bata.
Pamilyar yung kanta. Alam ko narinig ko na yun eh. Nakalimutan ko lang title.
"Ang galing!"
"Woahhh!"
Rinig kong mga react ng bata. Tumingin na lang ako sa daan at pinag-patuloy ang paglalakad hanggang lumagpas ako sa playground.
NAKABILI na ako ng gamot sa malapit na mercury drugs. Ngayon ay papunta ako sa 7 Eleven para bumili ng tubig. Pumasok na ako sa loob ng makarating. Pumunta sa drink sections. Binuksan ko na ang rep at kumuha ng tubig. Papatanggalin ko na lang muna yung lamig ng tubig mamaya bago ko inumin ang gamot.
Naramdaman ko naman na may taong tumabi sakin at binuksan ang kalapit na showcase chiller, isinara ko na lang ito at hindi pinansin ang taong katabi ko.
"Damn eyes." rinig kong bulong nung babae na nakatalikod.
Malapit ang mukha niya sa mga mame at prices ng mga drinks. Mukhang malabo ang mata niya. Naalala ko ganyan na ganyan rin ako noon noong wala akong salamin.
"Minute maid, where are you?" Napatawa ako ng mahina ng marinig itong magsalita.
Lumapit ako sa kanya at kumuha ng minute maid na nasa taas.
"Here, miss." Nagulat naman ito at tumingin sa itaas.
"Damn. 4 pieces, please." agad kong kumuha ng apat. Ngayon ko lang na realized na parang pamilyar ang boses niya.
Nang makuha ko ito ay agad akong humarap sa kanya at inabot sa kanya iyong apat.
"Thank you, Mr." pasalamat nito sakin at inangat niya ang mukha niya.
BINABASA MO ANG
Nothing more, nothing less
Novela JuvenilEcho Monterrey, a simple guy with a simple life. He has a best friend named Twilight, and he secretly likes her, but sadly, Twilight already has a boyfriend. Everything was normal until the Festival came. He was beaten up by some gangsters, but luc...