Chapter 52: She's back
~~~~~
ECHO
Napansin ko ang oras ay agad kong kinuha ang coat ko na nakasabit sa upuan at tumayo na.
"I gotta go." paalam ko sa kanila.
"Eh? Ang aga pa ah." reklamo ni Nixie habang nakatingin sa orasan niya.
"Tanga. Mag-aalas dose na!" sambit ni Lina sa kaibigan niya.
Natawa naman kami. Napakamot naman sa ulo si Nixie at tumango habang nakanguso. Mukhang lasing na.
"Happy birthday again, Kalvin. Mauna na ako." Then, naglakad na ako paalis sa upuan.
"Sige lang, boss namin!"
"Ingat po kayo!"
"Take care boss pogi!"
"Ingat sa pagdrive, boss!"
Itinaas ko na lang ang kanang kamay ko at patalikod na nag waved sa kanila tsaka ko binuksan ang pinto at lumabas na ng room na iyon.
Bumaba na ako sa hagdan at naglakad na palabas. Hindi ko na lang pinansin ang ingay at mga tingin ng ilan sakin. Tumango ako kay Manager bilang paalam ng magtama ang mata namin. Ngumiti ito sakin at tumango rin.
Nang makalabas ako ay agad akong naglakad kung saan nakaparada ang sasakyan ko. Napatigil ako saglit ng may makitang mga tambay na nakamasid sa kotse ko.
I sighed.
Pinag-patuloy ko na lang ang paglalakad ko at tumigil ilang metro ang layo sa kanila. Mukhang hindi nila ako napansin.
"Ehem!" I cleared my throat.
Agad silang tumingin sakin at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa bago sila ngumisi. Lima sila na mga mukhang adik na tambay.
"Bakit? Anong problema mo?" Maangas na tanong noong nakahawak sa unahan ng kotse ko.
I coldly stared at them. "That's my car, can you move?" I flatly said.
"Ha, Ikaw pala ang may-ari nito. Angas ah." Sabi pa noong katabi nito at tumango-tango habang may ngisi sa labi.
"Are you all deaf? I said can you please move? I'm in a hurry." I repeated.
Ops, wrong move. Mukhang nainis sila sa sinabi ko.
Sa isang iglap ay namalayan ko na lang na hawak na ng lalaking mukhang leader nila ang kwelyo ko. Pero naging kalmado lang ako.
"Ang yabang mo naman ata bata... At kami ay.... ano?!" Sabi nito at tumingin sa mga kasama.
"Masama ata yun boss." Sabi nung isa.
"Tanga, pangit ibig sabihin nun!" sabat pa ng isa.
"At kami....pangit?! Sino pangit ha?!" sigaw sakin ng lalaki at tumalsik pa ang laway sa mukha ko kaya napapikit ako.
BINABASA MO ANG
Nothing more, nothing less
Ficção AdolescenteEcho Monterrey, a simple guy with a simple life. He has a best friend named Twilight, and he secretly likes her, but sadly, Twilight already has a boyfriend. Everything was normal until the Festival came. He was beaten up by some gangsters, but luc...