19

15 5 0
                                        

Chapter 19: Event

~~~~~

"Papa..." Mahinang sambit ng natutulog na si Kode. Pawisan at mabilis ang paghinga nito.

"No! Papa!" sigaw niya pa kasabay ng paggising ni Kode na hinihingal at pawis na pawis. Unti-unting umupo ito at hingal na tumingin sa kanyang bintana tsaka bumuntong hininga.

'Panaginip lang.' She thought to herself.

Napalingon siya sa may lampshade kung saan nandoon ang isang calendar at picture frame kaya napatigil siya. She bit her lower lip and closed her eyes. Napahilamos na lang siya sa mukha niya at sinubsob ang ulo sa tuhod niya nang may maalala.

"Papa...." She whispered kasabay ng pagtulo ng kanyang luha sa mata.

MAAGANG nagising si Zia dahil binulabog siya ng maingay na pagtatalo ng parents niya. Hindi na niya lang ito pinansin pa dahil sanay na sanay na siya sa ganitong sitwasyon ang bubungad sa kanyang umaga.

'Wala namang bago. Tss.' Saad niya sa isip niya habang pinapanood ang magulang niyang nag-aaway.

Tumalikod na lang siya nang magwala na naman ang kanyang nanay at magbasag ng mga gamit nila. Pumasok siya sa loob ng kwarto niya at naghanda na lang sa pagpasok.

Zianna Smith is a fruit of one night stand. Her parents really don't love each other but because of her, they tried. Her mother fell in love with her father but her father doesn't. Kaya palaging nagtatalo ang parents niya ay dahil may kabit ang dad niya. At sa nakinig niya lang kanina, nabuntis nito ang kabit nito at sa bahay nila titira ang babae.

Bata pa lang si Zia, namulat na ito sa reyalidad. She used to see and hear everything about their family. Pero hindi niya pinapansin. Lumabas na si Zia sa kanyang kwarto suot ang uniform ng RIA na Royal blue'ng blouse at skirt na kulay royal blue na may golden stripes linings six inches above the knee ito, naka high sock siya na puti hanggang tuhod at white shoes.

Napatigil naman siya nang makita sa naka-awang na pinto ang makalat na kwarto ng mga magulang niya na nasa tapat lang ng kwarto niya. She saw how her mom cried, umiwas siya ng tingin at napakagat sa ibabang labi bago magsimulang maglakad. She wants to runaway, runaway from her problem. Bumaba na siya sa hagdan at dumiretsyo palabas ng kanilang bahay.

"Señorita! Kumain po muna kayo!" sigaw sa kanya ng kanyang Yaya pero hindi niya ito pinansin at nagdire-diretsyo lang sa paglakad.

"Señorita!" sigaw pa ng Yaya niya pero lumabas na siya at sinarado ang pinto.

She heavily sighed and shook her head. Lumakad na siya sa parking lot nila at kinuha ang big bike niya na kulay itim tsaka sumakay doon. Wala siyang pake kung naka-skirt siya, may cycling naman siyang panloob. Mabilis niyang binuksan ang engine nito at pinaharurot paalis. Wala naman nagawa ang guard kundi buksan na lang ang gate.

Tumigil siya sa harap ng condo unit ni Kode. At saktong pagtanggal niya ng helmet ay natanaw na niya si Kode suot rin ang uniform nila, ang kaibahan lang ay kulay itim ang high sock nito at hanggang malapit lang sa tuhod ang haba. Nang matanaw siya ni Kode ay maangas na ngumiti si Zia tsaka kinawayan ang kaibigan. Tumango lang si Kode at kinuha ang big bike nitong kulay pula tsaka binuhay ang makina.

"Let's go?" tanong ni Zia at ngumisi. Kode smirked and nodded.

Sabay nilang sinuot ang helmet nila at pinaharurot paalis ang mga big bike. Ganito pala ang gawain nila tuwing papasok, sabay at kung minsan ay paunahan silang makarating sa RIA.

Sa daan ay magkapantay lang silang dalawa habang nagmamaneho, napasipol naman si Zia nang matanaw ang isang pamilyar na big bike na kulay puti sa harapan nila. Nilingon niya si Kode at tinuro ang nasa harap. Napangisi naman siya nang ma-gets niya ang point niya. Kaya naman sabay nilang pinabilis ang andar ng big bike tsaka pinantayan ang tinuro ni Zia. Pinanggigitnaan nila Zia at Kode ang big bike na kulay puti ngayon.

Nothing More, Nothing Less Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon