06

18 6 0
                                        

Chapter 6: Ghost?

~~~~~

Bakit ako napapaligiran ng tatlong babae ngayon?!

"Let him go, Zhoey." Twili said coldly. Teka.... Si Twili ba talaga ito?

"This is none of your business now." Sambit ni Zhoey kay Twilight. So, Zhoey pala panagalan nung yelong babae.

"The h*ck, b*tch?! You're the Student Council President here. Why are you not acting like one?" sambit nung Zia ata. Bigla naman natauhan si Zhoey at tinanggal ang pagkakapit sa'kin.

Nakahinga ako ng maluwag doon at kinapitan ang pulso na medyo namumula. Ang lakas naman nun.

"Right. The two of you follow me." malamig na saad nito at tumalikod na.

Suminghal naman yung Zia at sumunod rin kay Zhoey. Napatingin ako kay Twili at nagulat na makitang kanina pa pala niya ako tinitingnan. She smiled at me genuinely tapos bumaba ang tingin sa namumula kong pulso. Kinuha niya ang bag niya at inilabas doon ang malamig na can drink tsaka ibinigay sa akin. Nagtataka ko itong tiningnan. She just chuckles na nagpakabog ng dibdib ko.

"Use this for those." sambit niya at tinuro ang mapula kong pulso. Napa-ahh ako at tumango.

"Thank you." Nahihiyang sambit ko. Teka...Nahihiya? Hindi ko alam kung bakit ako nahihiya sa kanya!

"B*tch! Let's go!" tawag sa kanya nung Zia kaya tumingin kami doon.

She rolled her eyes and looked at me, and then she smiled again. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko at tainga ngayon. Sh*t! Ngiti lang yan pero hindi na mapakali ang puso ko sa lakas ng tibok, sobra.

Ang ganda niya lalo sa ayos niya ngayon...

"Sayonara!" Sabi niya sa'kin at umalis na. Hindi ko naintindihan ang sinabi niya. Anong meaning nun?

Tsaka saan niya yun natutunan? May kakaiba talaga kay Twili ngayon. At saan siya pupunta? Kailan niya pa naging kaibigan yung Zia? Wait, nakakalito!

Napangiti na lang ako. Masaya ako dahil may kaibigan na siyang babae ngayon. Tinapat ko naman sa namumula kong pulso ang malamig na can drink tsaka naglakad.

*Bell rings*

Nakapasok na ako sa room namin bago pa tumunog ang bell. Umupo na ako sa upuan ko at nakita kong umayos ng upo ang mga kaklase ko. Ilang minuto lang ay pumasok na ang Prof namin. Agad kaming tumayo at sabay-sabay na bumati.

"Good morning, Prof. Lea." ngumiti naman si Prof.

"Good morning, students! Take your seat, take your seat." sambit nito.

"Let's start our lesson." seryosong sambit nito at nag-discuss na.

Sampung minuto na akong nagte-take down notes. Busy naman si Prof sa pagsulat sa blackboard. Napalingon ako sa may bintana ng biglang may tumunog doon. Nanlaki ang mata ko ng makita na may isang bag na bumato papasok sa bintana. Maya-maya lang ay may kamay akong nakita na nakakapit at ilang sandali ay umangat ito. Dahil doon mas lalo akong nagulat.

"Ano---"

"Shh!" pagpapatahimik nito sa akin. Tumingin siya kay Prof na busy pa rin sa pagsusulat sa blackboard.

Ngumisi naman siya at sumampa sa bintana tsaka pumasok kaya naman napanganga ako. K-kailan pa siya natututong mangakyat na parang unggoy?

Umupo siya sa bakanteng tabi ko at sinakbit ang bag sa likod ng upuan niya. Kinabahan ako sa babaeng 'to!

"Nice. Thanks, anyway." sambit niya sakin at tumingin sa harap.

Ako naman ay napatitig sa kanya. Anong ginawa niya sa department namin? Ngayon ko lang napansin na pamilyar ang taling niya na iyon. May iba talaga dito kay Twili.

Nothing More, Nothing Less Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon