Chapter 45: Clinton Mizuki
~~~~~
ECHO
“MK! Let's eat!”
Ilang saglit ay naramdaman ko na ang yapak nito na papalapit. Napangiti na lang ako ng yumakap na naman ito sa mula sa likod ko. Habit na niya ata 'yun.
“What did you cook?” tanong nito at sumilip sa mga pagkain na nasa lamesa ngayon.
“Pininyahang manok at chicken fillet.” Sagot ko. Mabilis naman itong umalis sa yakap ko at umupo na.
Napatawa na lang ako dahil sa inakto nito at umupo na rin. Paborito kasi nito ang pininyahang manok. Kakain na dapat siya ng pigilan ko ito. Ngumiti ako at maya-maya ay mukhang nakuha niya ang sinabi ko. Kaya naman sabay kaming nagdasal bago kumain.
Ngayon, sasabihin ko kung ano kami noon sa gang arena. Kami ang Rank 1 na grupo noon. Valkyrie ang pangalan ng grupo namin at dahil Rank 1 kami madaming nanghahamon sa amin upang mapunta sa kanila ang titulo namin.
Si Draco ang leader namin na si Devin, Void ang kanang kamay ni Devin, which is ako. Onyx at Nyx ang magkapatid na mahilig makipaglaro sa laban. Si Onyx, which is si Hyugo siya ang genius sa lahat ng atake. Si Nyx, which is si Maui na magaling naman sa mga weapons. Lastly, si Karl na ang codename ay Ace, ang aming hacker.
Nalaman ko rin kanina na, umalis na sila sa mga underground battle. At mas nakakagulat ay si Karl at Maui na pala. Mag t-two years na sila. Hindi lang talaga ako makapaniwala kasi dati silang aso't pusa pero tingnan mo naman ngayon, daig pa nila ang tuko kung makadikit sa isa't isa.
Hays, ang dami na talagang nagbago.
Hindi rin ako makapaniwala na ang sinasabing gagong ex ni Zia ay walang iba kung hindi si Devin. Si Devin ay kilalang playboy talaga noon pero nakita ko ang pagbabago niya noong makilala ang palagi niyang bukang bibig; ang gf niya daw.
Hulog na hulog talaga si Devin kay Zia. Sa nakita ko kanina, may pagtingin pa rin ito sa ex niya at hula ko hindi pa rin nakaka-move on si Zia kay Devin. Sana lang ay magka-ayos na ang dalawa na 'yun. Nakikita ko naman na sa mata nila na mahal na mahal at miss na miss na nila ang isa't isa.
Napatingin ako kay Kode na ngayon ay kain lang ng kain na parang bata. Sana ganito na lang palaging masaya. Naalala ko naman ang nangyari sa bus at yung kantang It's you by Ali Gatie.
I don't want to break her heart again, hindi ko kayang gawin iyon sa kanya. Mas gugustuhin ko pang masaktan ang sarili ko kaysa siya ang masaktan.
Nang matapos kaming kumain ay tumunog ang phone ni Kode pero hindi niya ito sinagot. Habang naghuhugas ako ngayon ay tumunog na naman ang phone niya pero hindi niya pa rin ito sinagot. Magsasalita na sana ako na sagutin na niya ang tumatawag baka kasi importante ngunit naunahan ako nitong magsalita.
“I'll just go to my room.” Sabi nito at umalis na.
I tilted my head while looking at her back, walking away. Okay? I sighed at pinagpatuloy na lang ang paghuhugas. Does she have a problem? Bakit ayaw niyang sabihin sa'kin kung mayroon man?
Nang matapos ako mag hugas ay agad akong lumakad papunta sa room niya para masiguro ko kung may problema ba siya o wala. Basta mag-uusap kami kasi hindi ako makakatulog kung may bumabagabag sa kanya.
“What?!”
“I don't believe you!”
“No! I know myself better than you!”
“I don't want to see you! I don't need you!”
Napatigil ako sa pagbukas ng pinto ng kwarto niya matapos marinig ang sigaw niya. May kausap siya sa phone? Sino naman kaya iyon?
BINABASA MO ANG
Nothing More, Nothing Less
RomansaEcho Monterrey lives a simple life, secretly admiring his best friend, Twilight-even though she's with someone else. His normal life changes during the Festival when he is attacked by gangsters and saved by an outsider. Suddenly, an unexpected event...
