Chapter 36: Unknown Caller
~~~~~
*Music*
Naalipungatan si Kode sa kanyang pagtulog nang may kanta na tumunog. Tumagilid ito at niyakap ang unan niya tsaka natulog ulit.
Kokoro kara mimi wo sumasete
Tsumitoru daijina shitai monoNapamulat si Kode ng mata ng marinig ang kanyang phone na nag-play ang kanyang ring tone music.
Dochira ka wo erabu shunkan itsumo
Sono hazama ni shinri ga aru--Agad na namatay ang tawag bago niya pa ito makuha. Umupo si Kode at pinagmasdan ang kanyang phone na mayroong 23 missed call sa isang unknown number.
"Eh?" nakakunot ang noong sambit niya at nagkibit balikat na lang.
Itinabi niya ang phone niya at tumayo. Ininat niya ang kanyang kamay at nag-stretching ng katawan. Lumapit siya sa kanyang balcony at binuksan ang kurtina na nakaharang doon sa sliding door. Itinaas niya ang kamay niya at pumikit ng masinagan siya ng araw. Ngumiti ito at nagmulat ng mata.
Humahakay siyang lumabas at naglakad papunta sa kusina para uminom ng mainit na chocolate milk habang suot ang kanyang pantulog na sport bra lang at pajama; medyo magulo rin ang buhok niya pero kahit ganoon maganda at maangas pa rin siyang tingnan.
Sa kabilang banda ay abala si Echo sa paghahanda ng umagahan ni Kode. Tama kayo, maagang gumising si Echo para lang makapunta sa condo ni Kode at paglutuin ito ng pagkain. Naging madali lang naman para kay Echo dahil may binigay sa kanya si Kode na spare key noong mga panahong busy si Kode kaya late nakakauwi ng bahay. At kapag nakauwi na si Kode nakahanda na ang pagkain nito with a note pa galing kay Echo.
Nang maramdam ni Echo na may papalapit ay agad siyang napangiti dahil gising na si Kode. Humarap si Echo para bumati kay Kode ngunit agad rin napatigil nang mapansin niya ang suot ni Kode.
"Good mo---"
Napatulala si Echo habang nakatingin kay Kode at para naman umakyat sa mukha ni Echo ang lahat ng kanyang dugo dahil sa sobrang pula nito. Labis ang gulat niya nang makita na ganito ang ayos ni Kode. Samantalang si Kode naman ay hindi napansin si Echo na nandoon kaya dumiretsyo ito sa may sink at nag-init ng tubig tsaka kumuha ng chocolate milk.
Echo swallowed hard habang nakatulala lang kay Kode na busy sa ginagawa nito. Humanga si Echo sa taglay na kagandahan ni Kode dahil kahit bagong gising ito mukhang maayos at maangas pa rin siyang tingnan ngayon.
Napalunok si Echo ng bumaba ang tingin nito sa maliit na tiyan ni Kode na kitang-kita kasi naka-sports bra lang ito. Agad na umiwas si Echo nang bigla niyang maalala ang kahihiyang nangyari noon sa court ng school nila. Pulang-pula na ang buong mukha ni Echo ngunit hindi pa rin alam ni Kode na may ibang kasama siya sa loob ng condo niya.
Tumingin ulit si Echo kay Kode na mukhang tapos na sa pagtimpla ng chocolate milk nito. Kapit ang tasa ni Kode nang humarap ito at uminom ngunit agad napatigil at nanlaki ang mata nito ng makita ang taong nasa harap niya.
"Fuck!"
Dahil sa gulat ay naibuga ni Kode ang kanyang ininom at napaso sa iniinom niya sa kamay nang muntik na niyang malaglag ang kapit niya.
"K-Kode!" tawag ni Echo ng mapansin na napaso ito kaya agad na nilapitan niya ang dalaga.
"W-what the heck are you doing here?" nakangiwing tanong ni Kode. Ngunit hindi siya pinansin ni Echo at hinila siya sa sink at binasa ang paso nito.

BINABASA MO ANG
Nothing More, Nothing Less
RomanceEcho Monterrey lives a simple life, secretly admiring his best friend, Twilight-even though she's with someone else. His normal life changes during the Festival when he is attacked by gangsters and saved by an outsider. Suddenly, an unexpected event...