51

10 4 0
                                        

Chapter 51: Someone

~~~~~

ECHO

Napatigil ako sa pagtutulpok sa aking laptop nang biglang tumunog ang phone ko. Tiningnan ko ang phone ko na nasa tabi ko lang at nakitang si Elli lang pala ang tumatawag.

Umayos ako ng upo at kinuha ang cellphone tsaka sinagot ang tawag ng kapatid ko. "Hello?"

["Kuya!!"]

Agad kong nailayo sa tainga ang phone dahil sa sigaw niya. Napahilot na lang ako sa aking sintido. 22 years old na siya pero kung kumilos ay parang 15 anyos pa rin.

"Oh, bakit?" alam kong may kailangan ito kaya napatawag eh.

["Hehehe. Wala lang. Na-miss lang kita, Kuya ko..."]

Sinasabi ko na nga ba, may kailangan ito. Sumandal ako sa swivel chair bago magsalita.

"Alam kong may kailangan ka. Tsk, Ano yun?"

["Hehe, ang galing mo naman Kuya... Paano mo nalaman?"]

Tumingin ako sa labas ng bintana at napa-irap na lang bago tumingin sa wrist watch ko.

"Are you gonna say it or not? If not, ibababa ko na it---"

["Kuya naman! Pasundo ako please..."]

Napangiti na lang ako dito. Hanggang ngayon nagpapasundo pa rin siya sakin... Dahil sa dahilan na takot siyang bumyahe ng mag-isa lalo na sa gabi dahil madaming adik sa daan.

Napailing na lang ako. "Alright. Nasaan ka?"

["Yey! Thank you talaga Kuya! Andito pa ako sa school. Hintayin kita. Ingats!"]

At pinatay na niya ang tawag. Napabuntong hininga na lang ako at sinave muna ang ginagawa bago tumayo tsaka itinupi ang sleeves ng suot kong long sleeve na kulay asul hanggang siko. Niluwagan ko rin ang aking necktie bago ako tuluyang lumabas ng aking office.

"Boss, uwi na kayo?" Tanong sakin ni Jace ang manager dito sa restaurant. Tumango ako dito bilang sagot.

"Ingat kayo, boss!" Maliit akong ngumiti dito bago tumango.

"Sige, una na ako." Saad ko bago ako umalis.

Kinuha ko na ang susi ng kotse sa bulsa ng makalabas at lumapit sa nakaparadang kotse na kulay itim na may gold linings sa tabi. Marunong na akong magmaneho ngayon ng kotse at motor. Yun ang unang pinag-aralan ko bago ako makatapos ng kolehiyo.

Pumasok na ako sa loob ng kotse at binuhay ang makina tsaka agad na pumunta sa school ni Elli.

TUMIGIL ako sa harap ng gate ng campus. Natanaw ko naman si Elli na naghihintay sa isang tabi. Kumunot ang noo ko ng mapansin na kinakausap siya ng ilang lalaki at mukhang naiinis na si Elli sa mga ito.
Mabilis akong bumaba sa kotse at tinawag ang pangalan niya.

"Elli..." agad na napalingon sakin ito maging ang mga lalaking kumakausap sa kanya.

"Kuya!!" Nakangiti sabi nito at lumapit sakin. Seryosong tiningnan ko naman ang mga lalaking iyon.

"Anong kailangan niyo sa kapatid ko?" malamig kong tanong sa kanila.

Nakita ko ang paglunok nila dahil sa takot sa akin.

"W-wala po!" Kinakabahang sabi nung lalaking mukhang leader nila.

"Tsk. Umuwi na kayo." Hays. Mga kabataan nga naman.

Nothing More, Nothing Less Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon