Chapter 24: Encounter
~~~~~
Habang pinapanood ng hurado ang performance ni Kode ay makikita sa mukha nila ang ngiti, lungkot, at paghanga dahil sa ganda ng mensahe ng kinakanta niya. Habang ang mga studyante naman ay nakaka-relate sa kantang ito.
Masayang nanonood ang pamilyang Monterrey at Scott sa pagkanta ni Kode ngunit akala nila ay ito si Twilight. Yes, hanggang ngayon nalilito pa rin sila kung sino talaga si Twilight at Kode sa dalawa. Pero ang totoong Twilight ay nasa restroom talaga, ngunit ng pabalik na dapat siya sa Auditorium Hall ay inutusan naman siya ng isang guro kaya wala pa rin ito hanggang ngayon.
"Mommy, dada, ang galing ni Ate." puno ng paghangang sabi ni Louen sa kanyang mga magulang.
"Napakagaling talaga ng ate mo." pagsan-ayon ng tatay niyang si Linden Zeke Scott.
"Syempre, kanino pa ba magmamana?" pabirong sabi naman ng kanyang nanay na si Sunny Anne Scott at tumawa ng mahina.
"Ang hangin..." pagbirong ani ng asawa nito sa kanya kaya nakurot ito ni Mrs. Sunny ngunit tinawanan lang siya ng kanyang asawa.
Matapos nun ay nanonood na lang sila sa akala nilang si Twilight ngunit si Kode nga ito.
"'Cause we lost it all
And nothin' lasts forever
I'm sorry I can't be perfect
Now it's just too late
And we can't go back
I'm sorry I can't be perfect"Hindi malaman ni Mrs. Sunny Scott ang kanyang nararamdaman. Dahil parang nangungulila siya sa batang nasa harapan ng entablado pero isinawalang bahala na lang niya ito.
Nang makatapos si Kode sa kanyang pagkanta ay agad na tumayo at nagpalakpakan ang hurado. Nakayuko na tumayo si Kode mula sa pagkakaupo tsaka nag-bow bago siya umalis sa stage. Natapos ang Opening Ceremony doon, kaya naman nagsilabasan na rin ang mga tao. Habang ang pamilyang Scott ay hinihintay ang kanilang anak sa isang tabi.
Sa kabilang banda naman ay naglalakad na palabas ng auditorium hall ang pamilyang Monterrey ngunit nagpaiwan si Echo dahil hihintayin niya daw si Kode. Habang si Kode naman ay nasa back stage pa rin kinakalma at hinahanda ang kanyang sarili dahil posibleng makaharap niyang muli ang kanyang ina.
Ilang minutong naghintay si Echo ngunit wala pa ring Kode na lumalabas kaya naman napagpasyahan niyang pumasok sa back stage. Akmang papasok na sana siya nang lumabas na si Kode. Natigilan ang dalawa at nagkatinginan tapos ngumiti sa isa't isa.
"Ang galing mo kanina." puri ni Echo kay Kode.
Tumaas naman ang kilay ni Kode at ngumisi upang hindi mahalata ang kaba niyang nararamdaman ngayon at mga what if's na pumapasok sa utak niya ng makita ang ina niya.
"Chill, it's just me." pagbiro nito at kumindat.
"Sira. Tara na nga." Sabi na lang ni Echo kaya sabay silang naglakad palabas.
Ngunit nang malapit na sila sa may exit ng Auditorium Hall ay napatigil sila nang biglang tinawag si Echo ng isang batang lalaki, walang iba kundi si Louen ang nakababatang kapatid ni Twilight sa ina "Kuya Echo!"
Napatagil si Echo sa paglalakad habang si Kode na nasa may likod niya ay ganoon din. Tumingin si Echo sa tumawag sa kanya at lumawak ang ngiti nang makita si Louen na papalapit sa kanila, kasunod ang mga magulang nito.
Nakabuka ang mga braso na sinalubong ni Echo si Louen agad naman na yumakap ang bata kay Echo na naka-squat ngayon at ginulo ang buhok ni Louen. Napalingon si Luigi sa nasa likod ni Echo, walang iba kundi si Kode. Ngumiti ng malawak si Louen at niyakap rin si Kode. "Ate!"
"Uh.." ngumiti ng pilit si Kode at tumingin kay Echo.
Tumayo si Echo ng maayos at napakamot na lang sa batok niya dahil akala ni Louen ay si Ate Twilight niya ang yakap niya ngayon.

BINABASA MO ANG
Nothing More, Nothing Less
Roman d'amourEcho Monterrey lives a simple life, secretly admiring his best friend, Twilight-even though she's with someone else. His normal life changes during the Festival when he is attacked by gangsters and saved by an outsider. Suddenly, an unexpected event...