Chapter 02: Dayo
~~~~~
"LOOK OUT!" agad akong napatingin sa sumigaw nun at napansin ang isang pamilyar na lalaki na mabilis na umilag. Pero hindi ko maaninag ang mukha nila. Sobrang labo. Anong nangyayari? Bakit nagkakasakitan sila?
"And the Winner is Val*****" sambit ng isang lalaki at naghiyawan ang mga nanonood.
Anong meron? Bakit puro dugo?
Napatingin ako sa lalaking pamilyar sa akin. Kausap niya ang tatlong lalaki at naghahatian ng kung ano.
Bakit ko nakikita ito?
"Salamat sa inyo..." sambit ulit ng napakapamilyar na boses. Pero hindi ko na narinig ang kasunod nitong sasabihin.
"Anak?" napamulat ako ng mata ng marinig si papa. Nakatulog pala ako sa paggawa ng homework ng kapatid ko. Umayos ako ng upo at kinusot ang mata bago siya sagutin.
"Po?" Ngumiti sakin si Papa at ginulo ang buhok ko.
"Mas matanda ka sa kapatid mo, pero parang ikaw ang walang laban. Tsk." umiling na saad ni papa. Napa-pout naman ako. Hindi ko kasi magawang hindian eh.
"Ayos lang naman sa'kin papa." Sabi ko. Pinitik naman nito ang noo ko.
"Oh siya, ligpitin mo na 'yan at kakain na tayo." tumango ako dito at sinunod ang utos niya.
Lumabas naman siya sa kwarto namin. Matapos ayusin ay tumayo na rin ako at sumunod kay Papa sa hapag-kainan. Dalawang araw na ang nakalipas ng mag-video ako. At ngayon ay araw ng linggo. Bukas na ang Festival, grabe lang ang bilis ng oras at araw.
Nang matapos kumain ay agad kaming nag handa para mag-simba. Naka-ugalian na namin ito, para na rin namin itong bonding. Sa ngayon suot ko ay isang simpleng black slacks, white polo shirt, at rubber shoes lang. Sinuklay ko na ang buhok ko.
"A-aray..." daing ko ng sumabit sa suklay ang ilang hibla ng buhok ko.
Agad ko itong inalis. Napapikit na lang ako at napakagat sa labi dahil sa sakit. Shuta! Binaba ko na ang suklay at kinuha ang salamin tsaka sinuot. Medyo malabo ang mata ko, pero hindi naman mataas ang grado ko.
"Mga kuya! Aalis na raw!" malakas na sigaw ni Elli.
"Okay, susunod na!" sigaw ko pabalik. Agad ko naman pinitik ang noo ni Elvis na nasa kama niya.
"Aray! Kuya naman... legendary na ako eh!" reklamo niya habang busy sa pagpipindot sa cellphone niya.
"Aalis na daw po, señorito." Saad ko dito.
"Oks, Sandali lang. Mabilis lang 'to." Sabi nito habang hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.
Aba't--!
"Elvis Monterrey. Isa." banta ko. Nakita ko naman na umayos na ito.
"Ito na nga oh, aish!" Sabi nito at pinatay ang cellphone.
Napakapasaway talaga ni Elvis. Adik kasi siya sa online games. Lalo na sa ML. Kaya palaging napapagalitan ni papa eh. Psh, bahala siya.

BINABASA MO ANG
Nothing More, Nothing Less
RomanceEcho Monterrey lives a simple life, secretly admiring his best friend, Twilight-even though she's with someone else. His normal life changes during the Festival when he is attacked by gangsters and saved by an outsider. Suddenly, an unexpected event...