Chapter 30: A rainy confession
~~~~~
Naglalakad si Kode sa tabi ng kalsada suot pa rin niya ang uniform na pinatungan ng itim na hoodie jacket. Nakapasok sa dalawang bulsa ng hoodie jacket ang kanyang dalawang kamay. Nakataklob sa ulo niya ang hoodie nito. Nakikinig ito sa earpods niya ng music habang naglalakad sa gitna ng ulan. Wala naman siyang pakealam sa mga nakatingin sa kanya.
Tumigil ito sa isang lugar. Sa sementeryo kung saan doon nakalibing ang kanyang ama. Tiningnan niya ang lapida ng kanyang yumaong ama at doon unti-unting tumulo ang luha niya.
Akiro Bryle Mizuki
Pumikit siya at doon pumasok ang ala-alang hinding-hindi niya makalimutan.
~FLASHBACK~
Masayang naglalakad ang mag-ama sa may park dahil sa wakas ay napilit na ni Kode ang kanyang ama na lumabas ng bahay. Ilang araw na rin kasi itong babad sa trabaho at walang ginawa kundi trabaho kahit pa nasa bahay ito nila. Kahit noong kaarawan ni Akiro ay nasa trabaho ito.
Pumasok sila sa simbahan at nagsimba. Matapos nun ay kumain sila sa isang malapit na restaurant, at naglakad-lakad. 'Yan ang ginawa nila bago pa mangyari ang hindi inaasahang pangyayari.
"Papa, did you have fun today?" Eight year old Kode asked her father.
Akiro smiled at her genuinely. "Yes, princess. Papa is so happy with you." He said and pinched Kode's little cheeks. Kode giggled.
"Papa! I want that one!" Kode exclaimed while pointing an ice cream sa kabilang kalsada.
"Alright. If my princess wants it, then I'll buy it." Napa-'Yey!' naman si Kode sa sinabi ng kanyang papa.
Kinuha naman ni Akiro ang maliit na kamay ni Kode at lumakad sila sa pedestrian lane. Sa kabilang daan naman ay may batang lalaki na tumatakbo dahil nilipad ang dala nitong lobo.
"Jusko yung bata!"
Nagkagulo ang lahat dahil may truck na papadaan at mababanggan ang bata. Napatigil sina Akiro at Kode at tumingin sa may unahan nila. Habang ang bata naman ay parang natuod sa gitna ng kalsada nang makuha na niya ang lobo at napansin ang truck na malapit na sa kanya at mukhang may mali sa nagmamaneho ng truck na ito.
Napasigaw na lang ang lahat nang sumalpok na ang truck sa isang tao. Natulala naman si Kode sa kanyang nakita. She just witnessed her father saving the little kid.
Napatulala ang mga nakasaksi at ang batang niligtas ni Akiro naman ay napatulala lang habang hinahabol ang hininga nito at nakatingin sa duguang katawan ni Akiro sa may harapan niya. Napaupo si Kode dahil sa nasaksihan niya. Ilang saglit ang lumipas nabalik na lang sa reyalidad si Kode nang makita ang katawan ng kanyang ama na naliligo sa sariling dugo nito.
"P-pa... Papa!" sigaw ni Kode at nilapitan ang kanyang ama na naghihingalo na.
Samantalang ang batang niligtas ni Akiro naman ay tulala pa rin habang hirap na hirap itong huminga hanggang sa hindi na niya kinaya kaya tuluyan na itong nahimatay.
"Diyos ko po! Tumawag kayo ng ambulansya!"
"P-pa-pa." nanginginig na tawag ni Kode sa kanyang ama habang humikbi. Kahit nahihirapan na si Akiro ay pinilit niyang maabot ang mukha ni Kode at ngumiti.
"P-princess..... P-pa..pa... is s-sorry..." umiling si Kode at hinawakan ang kamay ng kanyang ama na may dugo.
"P-papa.... D-don't l-leave m-me... *Sob* a-alone.." nanghihinang ngumiti naman si Akiro at pinahid ang luha ni Kode.

BINABASA MO ANG
Nothing More, Nothing Less
RomansaEcho Monterrey lives a simple life, secretly admiring his best friend, Twilight-even though she's with someone else. His normal life changes during the Festival when he is attacked by gangsters and saved by an outsider. Suddenly, an unexpected event...