09

19 6 0
                                        

Chapter 9: Huh?

~~~~~

DALAWANG LINGGO na kaming exchange student sa RIA. At nakapag-adjust na rin ako sa bagong university kaya medyo sanay na ako sa mga nangyayari.

May shift ako ngayon dito sa Our Zone Bar. Gaya ng dati, bigay doon, bigay dito ng mga alak ang ginagawa ko paulit-ulit lang. Ngayon naman ay nagmi-mix ako ng alak dahil may nag-request na customer. Sino ba naman ako para humindi?

“Here's your vodka and wine cocktail mixed and lemonade, ma'am. Enjoy.”
Matapos kung i-abot ay nagpunas na lang ako ng mga baso dahil wala pa namang customer.

“Tequila, please.” sambit ng isang customer na kakadating lang.

“Right away, ma'am.” Ani ko habang nasa baso pa rin ang tingin. Kumuha na ako ng tequila gaya ng sabi niya.

Nagulat ako ng makita kung sino ito. Nakita kong natigilan ito ng makilala ako pero panandalian lang 'yun. Anong ginagawa niya sa ganitong lugar?

“Here.” sambit ko at inilapag ang alak sa harap niya na agad niya namang ininom.

Kumunot noo ko dito bago ako bumalik sa ginagawa ko kanina. Maya-maya ay tinawag niya akong muli, hanggang sa paulit-ulit na iyon. Ito na ang pang-pitong baso niya, inilapag ko ito sa harap niya.

May problema ba siya?

Kinuha niya ang tequila at ininom. Namumula na ang mukha nito. Napailing na lang ako at napabuntong hininga.

“Okay ka lang?”

Wala akong nakuhang sagot sa kanya.

“May problema ka ba?” Nagtanong ulit ako pero gaya kanina ay wala pa rin akong nakuhang sagot dito. I sighed. “Ganito ba talaga mayayaman kapag may problema? Dinadaan na lang sa inom? Alam mo, hindi sagot ang pag-iinom para sa problema mo.”

Ngumiti ako sa kanya nang lumingon na ito at nagpunas na ulit ng baso. Mukhang may problema talaga siya.

“Hindi rin masamang mag-share kung may problema ka o gumugulo sa isip mo....” Sabi ko at tumigil muna tsaka inilapag ang baso at kumuha ulit ng panibangong baso na pupunasan.

“At hindi rin masamang umiyak kapag nasasaktan kana.” dugtong ko at tumingin sa kanya na ngayon pala ay nakatingin sa akin. Umiwas ito ng tingin at yumuko.

“I hate them. Now, I know why they don't love me. D*mn it. It hurts that my whole existence was a lie.” mahina nitong sabi. Hindi na lang ako nagsalita at hinayaan na lang siyang ilabasa ang sakit na nararamdaman niya. 

“Everything was a lie. F*ck this!” usal pa niya at inubos ang laman ng baso. Maya-maya ay tumulo na lang ang luha niya.

Agad kong kinuha ang panyo ko at binigay sa kanya iyon at pinat ang balikat niya para i-comfort. Mabuti na lang ay wala pang customer. Ilang minuto ang nakalipas ay tumigil na ito sa pag-iyak. Mukhang nahimasmasan na siya. Pinahid niya ang luha niya gamit ang panyo ko tsaka tumingin sa akin.

“Ayos kana ba?” Tumango lang siya bilang sagot.

Bigla naman may dumating na customer kaya nag excuse ako sa kanya at tumalikod. Hindi pa ako nakakahakbang ng banggitin niya ang pangalan ko kaya napatigil ako at nilingon siya.

“Echo, I'm really sorry and.... Thank you for listening.” After she thanked me, she genuinely smiled at me, and then she left me dumbfounded.

Napangiti na lang ako habang tinatanaw ang papalayo niyang pigura. Kinuha ko ang bayad niya na nakapatong sa mesa tsaka ko hinarap ang bagong customer.

Nothing More, Nothing Less Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon