Angel's note: first of all, this story is not for everyone. Kung hindi mo pa tapos basahin ang A Battlefield With Cinderella, I advise na 'wag ka nang tumuloy sa kwentong ito. Utang na labas basahin niyo muna ang ABWC para mas maintindihan niyo ang magiging takbo ng In Love With The Beast. I swear, mas ma-a-appreciate niyo ito after. Kumpleto naman ang ABWC dito sa Wattpad at mababasa niyo rin ito ng libre.
Maraming salamat sa mga nagtiyagang hintayin ang kwentong ito ni Ali. Alam ko maraming kayong iniyak kaya makakaasa kayong madadagdagan pa 'yan. Charot! HAHAHA. Enjooooy at 'wag kalimutang magparamdam sa comment section para naman alam ko kung may nagbabasa nga ba. :)
***
Prologue
"Gising na ang pasyente!"
"Nurse!!"
"Tumawag kayo ng doktor!"
Sigawan ng iba't-ibang tinig ang bumungad kay Ali sa unti-unting pagmulat niya ng mga mata. Isang pamilyar na kisame ng silid ang una niyang nasilayan sa tuluyang pagdilat niya. Hindi niya na tanda kung kelan ang huling punta niya rito, pero alam niyang matagal na. Bata pa siya noon.
Dumating ang doktor at agad na chineck nito ang vital signs niya. Subalit laking gulat nito nang marahas niya itong kwelyuhan.
"M-Mr. Sabella...." nanginginig na sambit ng doktor. Isa sa sampung mga tauhan ni Ali na nakapaligid sa kanya ang lumapit.
"Boss." Yumuko ito upang magbigay galang.
"What's happening?" mahina at malamig ang tinig na tanong niya. Nakahiga pa siya ngunit bakas na ang takot at respeto sa kanya ng mga tao sa paligid niya.
"Wala na si Barette," sagot ng lalaki at nag-igting agad ang kanyang mga panga pagkarinig sa pangalang binanggit. Nanlisik ang kanyang mga mata.
"Of course I know he's dead. I'm the one who killed that bastard, but what the fuck am I doing here? And who is this?" Bumaling muli ang atensyon niya sa doktor na hawak pa rin niya sa kwelyo. Takot na takot ang mga mata nitong nagsusumamo sa kanya habang unti-unting iniaangat niya.
"Pakiusap 'w-wag niyo 'kong p-papatayin!!" Nanginginig ang buong katawan nito.
Samantala, napaangat naman ng tingin ang lalaki sa harapan niya dahil sa kanyang sinabi. Naguguluhan itong lumingon sa mga kasama na tulad nito, gulat ding nakatitig kay Ali.
"Ano ulit ang sinabi mo, Boss? Ikaw ang pumatay kay Barette?" takhang tanong ng lalaki.
"Who else?" matigas niyang sagot saka marahas na binitawan ang doktor na bumalandra agad sa sahig.
"Boss, doktor 'yan!" hindi napigilang sigaw ng isa sa mga kasama.
Hindi nila lahat malaman kung papaano sasagutin ang mga katanungan ni Ali at kung bakit siya narito sa lumang bahay ni Manang Lora--ang tagapag-alaga niya mula pa pagkabata.
Nanggaling na siya rito nang minsang isinama siya ni Manang Lora noong maliit pa siya kaya pamilyar ang itsura ng lugar. Ngunit ang hindi niya maintindihan, ay kung bakit at ano ang dahilan ng pananatili niya rito ngayon. Isa pa, wala siyang malinaw na maalala sa mga nangyari maliban sa pagpatay niya sa tiyuhing si Barette--ang kadugo niyang pumaslang sa kanyang mga magulang.
Napatingin silang lahat sa bumukas na pinto.
"Manang Lora?" nanghihinang tawag niya sa tagapag-alaga na kadarating lamang.
Lumuluha kaagad ang mga mata nitong tumitig sa kanya at naguguluhan niyang pinagmasdan ang matanda. Nabitawan nito ang mga dalang gamit at madaling tumakbo sa kinaroroonan niya. Pagkatapos ay niyakap siya nito ng sobrang higpit.
BINABASA MO ANG
In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]
General FictionAlfonzo Ismael Sabella, a dangerous billionaire who has forgotten the darkest part of his past, started a new life in the small community of Makaslag Village. In the stillness of his life there, comes Honey Love Mendez, a spoiled brat city girl who...
![In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]](https://img.wattpad.com/cover/304518488-64-k710388.jpg)