Chapter 33

1.3K 49 12
                                    

[Honey]

"Sigurado ba kayong iyon ang may kagagawan?" Nag-aalalang tinignan sila ni Manang Lora. Nakauwi na sila sa bahay ni Ali at kasalukuyang nagpupulong tungkol sa nangyari.

Blangkong tumingin si Honey sa madilim na labas ng bintana.

"Wala namang ibang demonyo ang gagawa noon. Only that crazy psychopath."

"Yari ka pala ngayon kung gano'n?" ani Leo na inismiran siya. "Babalik 'yon dito panigurado para kunin ka. Hindi 'yon titigil hangga't hindi ka niya nakukuha."

"Hindi. . . hindi ako papayag na maulit ang nangyaring ito sa Makaslag," she seriously answered, ignoring Leo's sarcasm words.

"Anong plano mo, girl? Hindi tayo nakakasiguro na hindi nga 'yon babalik dito. Omg 'di ko maimagine kung paano tayo kakaladkarin ng mga tauhan ni Jameson pabalik ng Maynila kapag nagkataon." Napayakap sa sarili nito si Madel.

"Stay here for a while." 

Napatingin silang lahat kay Ali.

"Tama si Boss," pagsang-ayon ni Dan. "Kung ikaw nga ang pakay ng mga nanggulo rito, mas mainam na pumarito muna kayo."

"Omg very good idea 'yan!" Napapalakpak si Madel sa tuwa at umambang aapiran siya nito, hindi niya iyon tinugunan.

"What if kayo naman ang madamay? I wouldn't like that either."

Sa unang pagkakataon, naisip niya ang kapakanan ng ibang tao. She used to not care about other people lalo na kung wala naman siyang mapapala. Pero sa pagkakataong 'to, iba. Ayaw niyang may kahit sino na madamay rito sa Makaslag. Masyadong payapa ang lugar na ito para magulo nang dahil lang sa kanya.

"Ano namang tingin mo sa amin? Hindi kayang ipagtanggol ang mga sarili namin? Oh come on." Mayabang na napasuklay ng kamay sa buhok nito si Leo.

Bahagyang napaigtad siya sa kinauupuan nang marahan na hinawakan ni Ali ang kamay niya. Malamlam ang mga mata nitong tumitig sa kanya at kakaibang kapanatagan ang mabilis na idinulot nito kay Honey.

"We can take care of ourselves. Kayo ni Madel, pareho kayong babae, delikado na kayo lang dalawa sa bahay."

"Tama si Ali, girl. Feeling ko hindi rin ako makakatulog doon sa bahay mo nang tayong dalawa lang."

Huminga siya ng malalim at binasa ang mga labi. Sinalubong niya ang mga mata ni Ali na ngayon ay puno ng pag-aalala.

"Sure kang okay lang na mag-stay kami rito?"

"Of course. I couldn't sleep either without you beside me. So just stay here." 

Dinala nito ang kamay sa gilid ng kanyang ulo at ganoon na lang ang gulat niya at ng mga kasama, nang marahan na dinampian siya nito ng halik sa noo. 

"Please?" pagsusumamo pa nito.

Tangina. Hindi niya napigilan ang mapamura sa isipan. Sinong matinong babae ang makatatanggi sa lalakeng ganito makiusap? May pahalik pa sa noo!

"Okay. . . dito muna kami."

Para siyang matutunaw sa ngiting gumuhit sa mga labi ni Ali dahil lang sa pagpayag niya. Ang mga ngiti kasi ni Ali ay daig pa ang mamahaling dyamante, bibihira. Gosh—anong karupukan 'tong nararamdaman niya?

Pansamantalang bumalik muna sa bahay nito si Manang Lora kung saan kasalukuyang tumutuloy sina Leo at Dan. At ang kwartong tinutuluyan ni Manang sa bahay ni Ali ay ang siyang inokupa nila ni Madel.

"Girl, nakakahiya naman yata kay Manang Lora umalis pa siya. Para natin siyang inagawan ng kwarto rito," saad ng kaibigan habang nagpupunas ng basa nitong buhok. Buti na lang ay may iilang damit siyang naiwan dito at 'yon ang ginamit nila pamalit.

In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon