[Honey]
Namumugto ang mga mata niya nang gisingin siya ng konduktor ng bus. Nasa terminal na pala sila. Wala siya sa sarili kaninang sumakay at ngayon lang niya na-realize na pabalik pala ng Makaslag ang byahe niya.
Napatingin siya sa paligid at siya na lang ang natitirang pasahero sa loob.
"Wake up, Honey," bulong na aniya sa sarili at mahinang sinampal sampal ang pisngi niya. Tumayo siya nang nakahawak sa kumikirot na ulo.
Sa bahay ng kanyang ninang na malapit na kaibigan ng kanyang ama siya nagpalipas ng gabi pagkatapos ng lahat ng nasaksihan niya kahapon. At kaninang paggising niya, maaga siyang nagpaalam dahil ayaw niyang makaabala pa. Ngunit tila alam ng kanyang ninang ang nangyayari sa kanilang kumpanya kung kaya't inofferan siya nito ng kaunting tulong kaya siya may panggastos.
Bumaba siya sa bus nang walang dala kahit ano. Wala rin siyang cellphone at nasa bulsa lang ng suot niyang dress ang pera.
"Bayu pung lutu ing ulam keni! Mangan na kayu, suki!"
Napalingon siya sa karinderyang pinuntahan nila before ni Ali. Gaya dati ay marami itong customer kahit napapangiwi siya kung bakit sila sarap na sarap kumain sa ganito klaseng lugar.
Napalunok siya sabay napahawak sa kanyang kumakalam na tiyan. Gutom na siya. Hindi pa nga pala siya kumakain simula kagabi dahil wala siyang gana.
"I can't believe I'm doing this."
Napabuntonghininga siya. Naalala niya ang huling sinabi niya noong inaya siyang kumain dito ni Ali. 'Gosh that is so cheap! I am never gonna eat there!'
Naiiling siyang napatawa ng mahina. Tiniis niya ang gutom noon at pinanood lang si Ali na kumain, pero heto siya ngayon, nakakadalawang order na ng pagkaing ni hindi niya alam kung ano ang tawag.
"Eme yata abe itang bata mu?" (Hindi mo yata kasama 'yung boyfriend mo?)
Napatingala siya sa tinderang naglapag ng baso ng tubig sa lamesa niya. Tiningnan niya pa sa likuran niya kung may ibang tao ba at baka iyon ang kinakausap nito.
"Are you talking to me?" Tinuro ni Honey ang sarili.
"Ahh! English! Ah okay okay eka pala Kapampangan."
Tumatawa nitong pinunasan ang bibig sa tuwalyang nakasabit sa balikat at muling hinarap siya.
"Your boypren... ahm before here...not with you now?"
Isang dalagita ang tumatawang sumabat sa usapan nila.
"Nanung panyabyan mu ken ay?" (Anong pinagsasabi mo d'yan?)
"Kukutang ke itang bata nang masanting nung ene abe. Mengan nala kanita keni reni, eh." (Tinatanong ko kung hindi niya kasama 'yung pogi niyang boyfriend. Kumain na kasi sila rito dati.)
"Ahh. Ot emu nya tagalugan kesa king mangapalipit ka dila ken." (Ahh. Bakit kasi hindi mo na lang siya tagalugin kaysa namimilipit ang dila mo d'yan.)
Awkward na ngumiti sa kanya 'yung tindera nang malaman na nagtatagalog naman pala siya. Honey didn't know how to respond because she's not used to talking to strangers kaya tinuloy na lang niya ang pagkain. Pero daldal pa rin ito nang daldal.
May nabanggit ito tungkol sa mga taga Makaslag Village pero hindi naman niya naintindihan dahil sa gamit nitong lenggwahe.
Pagkatapos niyang makapagpahinga ay dumiretso na siya sa pag-akyat ng bundok. Kung siguro ay nasa tamang estado lang ang utak niya ay baka pinili na lang niyang manatili sa bayan kaysa maglakad ng isang oras sa ilalim ng tirik na tirik na sikat ng araw. Pero nakarating siya sa Makaslag Village nang hindi nakakaramdam ng iritasyon. Yun nga lang, ganoon na lang ang pagkagulat niya sa kanyang dinatnan.
BINABASA MO ANG
In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]
General FictionAlfonzo Ismael Sabella, a dangerous billionaire who has forgotten the darkest part of his past, started a new life in the small community of Makaslag Village. In the stillness of his life there, comes Honey Love Mendez, a spoiled brat city girl who...