Chapter 8

1.4K 52 11
                                    

Honey

“Umattend ka na lang sa meeting bukas at doon ka mag-sorry ulit sa kanila,” suhestiyon ni Leo kay Honey.

Pagkatapos nilang maglinis kanina, dumiretso sila bahay niya para roon mananghalian dahil marami pa siyang tirang pagkain sa ref.

“Anong meeting ang meron bukas?” tanong niya.

“It's a village meeting with the whole neighborhood held every second week,” sagot ni Ali habang kumakain.

Wow. Hindi niya inexpect 'yon, ah? May sistema naman pala sila rito kahit papa'no.

“Do you think they'll accept it this time?”

“Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan,” sabat ni Leo. “Ako nga kanina lang kita napatawad. Malay mo sila, bukas naman.”

“Of course I know na kahit papa'no you understand me naman. Pero sila? I doubt it. Parang makita pa lang nila 'ko nagtatago na sila. Maybe because I look overqualified to live in this place?” Nasamid si Leo sa sinabi niya at pati si Ali ay saglit ding napatigil. Sabay na sinulyapan siya ng masamang tingin ng dalawa. “What?”

“Siguro kung babawasan mo pa 'yang kakapalan ng mukha mo, baka maniwala na silang sincere ka,” sarkastikong sagot nito.

“Why? What's wrong? I'm just stating a fact.”

“Wala ng pag-asa 'yan, Boss,” pagsukong wika ni Leo kay Ali.

Bago ang meeting kinabukasan, pinayuhan siya ni Leo na maghanda ng pa-meryenda man lang sa mga tao. Kahit simple lang basta 'yong bukal sa kalooban niya.

“Kailangan ko na palang mamili ng stocks after nito,” wika niya sa sarili. Nagamit kasi halos ng pinamili niya roon sa pa-housewarming niya dapat.

Naghanda lamang siya ng pancakes and noodles since 'yon ang meron na lamang siya at 'yon din naman ang sinuggest sa kanya ni Leo. Hindi nga niya alam kung tama bang naniwala siya sa insektong lalake na 'yon o sinasamantala lang nito ang weakness niya! Halos lahat ng ipinahanda kasi ni Leo ay mga paborito nito!

She wore her most simplest dress dahil feeling niya mas makaka-relate sa kanya ang mga tao kapag hindi siya gaanong nagpaganda. Parang wala naman kasing nag-aayos ni isa sa mga tao rito! Kinuha niya rin ang pinaka-flat niyang sandals at saka umalis na.

--

“Good morning, everyone!” Napahinto ang lahat sa ginagawa pagkadating niya. Sa kubo malapit sa village hall ang meeting nila.

Nagsimula na naman ang mga bulong-bulungan katulad kahapon sa pagtulong niya sa paglilinis.

“Magandang umaga sa inyong lahat,” bati ni Ali mula sa likuran niya na nagpabago sa mood ng mga tao in an instant. Napabuga siya ng hangin ngunit pinigilang mag-react siya ng husto. “Naghanda si Honey ng meryenda para sa lahat.” Inilapag ni Ali ang pancakes na pinagtulung-tulungan nilang lutuin kanina.

“Heto pa noodles!” dagdag na sigaw ng kadarating na si Leo at inilapag ang malaking kaserola sa dulo ng mahabang lamesa. “Sumandok na kayo rito habang mainit pa!”

Ngumiti si Honey sa lahat at saka bahagyang iniyuko ang kanyang ulo sa harapan nila. Hindi kasi itsurang nasisiyahan ang mga tao at kung hindi pa uubra itong paghingi niya ng tawad, baka hindi talaga siya nararapat mag-stay rito.

“Gusto ko pong humingi ng sorry sa inyong lahat.” Nahuli niya agad ang atensyon nila. “Alam kong mali ang sinabi ko at inaamin ko pong nagkamali ako. Sana mapatawad niyo po ako.”

Lumambot ang mga pagtitig sa kanya ng tatlong matatandang nasa unahan na sina Lola Lusing, Lola Lumeng, at Lola Mileng. Nagtinginan naman ang iba pa na tila naghihintayan ng signal kung patatawarin na siya.

In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon