Chapter 58

1.2K 38 19
                                    


[Honey]

"Ipinasasama ni Elder Yang si Honey."

"She doesn't hav—" Hindi natapos ni Ali ang sinasabi nang biglang sumulpot si Honey sa kinaroroonan ng mga ito.

"Sasama ako." Hawak ang pitong buwang tiyan, naglakad siya palapit sa kanila.

Parang kailan lang ay hindi niya gustong ituloy ang pagbubuntis, pero ngayon ay kaunting panahon na lang, manganganak na siya. Kaya naman pagdating sa mga ganitong bagay na pwedeng mapagod siya, istrikto sa kanya si Ali.

"I'm sure miss na 'ko ni Elder Yang. At saka hindi naman ako mapapagod kase malapit na lang 'yung bagong villa niya, 'di ba?"

Noong hindi sila nakadalo sa birthday ni Elder Yang, inimbitahan sila nito sa isang private dinner kung saan nagsimulang maging close sila. Sabi ni Leo sa kanya ay nakakatakot na tao raw si Elder Yang, pero hindi naman iyon tumugma sa naging pakikitungo ng matanda sa kanya. He's actually funny!

She flashed her sweetest smile dahil alam niyang asset niya iyon para kumbinsihin si Ali na isama siya.

"Honey, please, don't be too hardheaded."

"Naiinip na rin kasi ako rito sa bahay. Promise hindi ako maglilikot. I'll behave and won't leave your side."

Bumuntonghininga si Ali at pumalakpak siya dahil senyales na 'yon na siya ang masusunod! Mabagal pero excited na pumunta na siyang kwarto para magbihis. Hindi na siya nag-abalang tignan ang sarili sa salamin at baka mairita lang siya kapag nakita na naman kung gaano siya kalaki. Di bale, konti na lang, babalik na siya sa dati... Babalik na sa normal ang lahat.

She wore a light-yellow maternity dress at nakaalalay ang kamay ni Ali sa likod niya habang naglalakad sila patungong sasakyan. Sa backseat na siya pinauupo nito simula noong lumaki na ang tiyan niya at naging hindi na komportable sa kanya ang pumwesto sa front seat.

"Just tell me immediately if you feel anything strange."

"Wag kang mag-alala hindi pa 'ko manganganak," sagot niya at umayos ng upo sa likuran. "Daan muna tayo sa cafe d'yan sa kanto, bili tayo nung favorite na matcha cake ni Elder Yang."

Tahimik na sumunod si Ali at nakangiti siyang tumanaw sa labas ng bintana. Sa totoo lang ay hirap na siyang kumilos sa laki ng tiyan niya. Noong ikalimang buwan niya ay sakto lang naman ang laki nito, pero nang tumuntong na sa ikaanim at nalaman na nilang kambal na babae ang dinadala niya, doon na ito lumaki ng husto at nahirapang kumilos.

They both couldn't believe they're going to have twins! Bukod sa hindi niya pinlanong magkaanak, mas lalong hindi niya pinangarap magkaanak ng kambal! Isang linggo yata bago niya tuluyang natanggap na dalawang sanggol ang nasa sinapupunan niya. Pero ang reaksyon niyang iyon, kabaligtaran sa naging pagtanggap ni Ali. He was fleeting. Kung siya ay isang linggong nakasimangot, si Ali ay buong linggo ngumingiti mag-isa.

The backseat was so comfortable since Ali customized it for her. Madalas ay ayaw niyang naiiwan sa bahay at gusto niya palaging nakikita si Ali kaya inayos nito ang sasakyan para sa kanya. Kahit kontrabida ito sa tuwing sasama siya, hindi naman siya nito natitiis.

"Are you okay there?" he asked and glanced at her in the rear-view mirror.

Honey just smiled without taking her eyes off the window, and then she nodded.

Pregnancy made her realize how difficult this stage in every woman's life. Ultimo simpleng pagkilos, halos sukuan niya. Hindi lang siya sa pisikal nahirapan, kundi lalo sa emosyonal. She might not have known how to survive this if Ali hadn't been by her side.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 25 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon