[Honey]
Nakapikit at napasandal siya sa pader pagkatapos nilang mag-usap ng kaibigang si Madelld sa cellphone. She was still half asleep when she answered the call at hindi niya sana ito sasagutin kung hindi lang niya inalalang baka magising si Ali. Bumaling siya sa pinto sa tabi niya. Dito sila dumiretso kagabi ni Ali sa bahay nito pagkatapos nilang dumalo sa sayawan and obviously, dito rin siya nagpalipas ng gabi. Napangisi siya na makitang suot na naman niya ang damit nito.
Bwisit na Madelle talaga 'yon. Ang ganda na ng umaga niya, eh. Manong hapon na lang siya nito tinawagan para nasulit niya pa ang magandang gising niya? Tsk. Di bale sana kung good news ang ibinalita nito kaso hindi! Simangot na bumalik siya sa loob ng kwarto at inabutan niya pa ring tulog si Ali.
She carefully lay down beside him and unconsciously wrapped her arm around his waist. Alam niyang ayaw ni Ali na maging clingy siya pero tulog naman ito at hindi malalaman. At saka saglit lang naman. Isinandal niya ang kanyang pisngi sa nakatalikod na pigura nito at malalim na bumuntonghininga.
“What's making you sigh in the early morning?”
“Oh!” Mabilis na tinanggal niya ang pagkakayakap niya rito at mahinang napamura siya sa sarili. “Sorry gising ka na pala.”
“Your heavy sigh woke me up.” Dahan-dahang humarap sa kanya si Ali. She didn't bother moving in her position so they were facing each other. “What's your problem?”
Bumuntonghininga ulit siya bago sumagot.
“Kailangan kong bumalik sa Maynila pero saglit lang. Maybe a day or two will do.”
“So what's wrong with that? Did something happen?” Paos ang boses nito dahil kagigising lang.
“My father wants me to go on blind dates again. He even gave me warning na kapag hindi ako sumipot bukas, siya mismo ang susundo sa 'kin.”
“Does he know where you are?”
“No but he will definitely find me.” Nakasimangot na nag-diretso siya ng higa at tumitig sa kisame. “Nakakainis! Mukha bang gusto ko ng mag-asawa?”
“Ayaw mo pa ba?”
“Ayoko s'yempre sa taong hindi ko mahal. At saka, ayokong magka-anak! What if hindi kami pareho ng gusto? Pipilitin niya 'ko? I'd rather live somewhere far alone!”
“Okay calm down. Makikipagkita ka pa lang naman, hindi ka pa magpapakasal bukas.”
“What about my work here?” she worriedly asked.
“You will only be gone for a few days,” he answered. She looked at his side with a smile.
“Thanks, Ali.”
“You're welcome, troublemaker.” Tumalikod ulit ito ng higa sa kanya. “Just don't hug me right away the next time you got a problem.”
Napatawa siya sa sinabi nito at mahinang sinipa si Ali sa likod. Napakaarte talaga! Pasalamat nga 'to niyakakap niya!
She drove early in the morning the next day at nakarating siya sa Maynila ng bago mag-tanghalian. Dumaan siya sa office ng Chairman at parang ine-expect talaga nito ang pagdating niya. Pero hindi rin siya nagtagal dahil halos ipagtulakan siya para pumunta sa blind date niya.
“Papa! Can't you just cancel it and let me spend time with you instead?” paglalambing niya. Baka sakaling mauto niya ito.
“No.”
“I hate you.” Pabagsak siyang umupo sa office chair na nasa harapan ng Chairman. Tambak ang mga papel sa lamesa nito at halos hindi na siya matignan habang kinakausap.
BINABASA MO ANG
In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]
General FictionAlfonzo Ismael Sabella, a dangerous billionaire who has forgotten the darkest part of his past, started a new life in the small community of Makaslag Village. In the stillness of his life there, comes Honey Love Mendez, a spoiled brat city girl who...
![In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]](https://img.wattpad.com/cover/304518488-64-k710388.jpg)