[Honey]
Hanggang sa makarating sila sa condo na tinutuluyan ay umiiyak pa rin si Honey. They even had to use the elevator at the back para lang maiakyat si Ali nang walang nakakakita.
“Pwede bang tumigil ka muna sa pag-iyak? Imbes walang makakita sa atin, agaw atensyon tayo d'yan sa pagngawa mo,” pagsusungit sa kanya ni Dan.
“Do you think I can control my emotions?!”
“Wag ka nang mag-alala. Malapit na raw 'yong doktor na titingin sa kanya,” pang-aalo naman ni Leo na nagpakalma sa kanya kahit papaano. Buti pa 'to may puso, hindi tulad ng bwisit na Dan na ito!
Maayos na naipasok nila sa unit si Ali nang walang nakakakita. Inihiga nila ito sa kama at kaagad na nagpakuha si Honey ng first aid kit para linisin ang sugat nito sa ulo. Limang minuto na lang bago dumating 'yong doktor, pero hindi niya na kaya pang magsayang ng kahit isang minuto.
“Sigurado ka marunong ka niyan?” dudang tanong ni Leo. Tumango naman siya sa pagitan ng mahihinang paghikbi.
“Alam ko ang ginagawa ko.”
“O sige abangan ko lang 'yong doktor sa labas.” Nagpaalam si Leo at naiwan si Dan sa may hamba ng pinto, pinapanood siya.
Hindi niya na lang ito pinansin at binuksan na ang first aid kit. Nilinisan niya ang dugo sa paligid ng sugat ni Ali sa ulo at walang humpay sa pagtulo ang luha niya habang ginagawa iyon. Kasalanan niya kung bakit ito nasaktan. If only she did not call him, hindi ito pupunta ro'n at masasaktan.
“I-I'm sorry, Ali... I know it's my fault, but please... gumising ka na...” Pinalis niya ang mga luha sa pisngi gamit ang likod ng kanyang palad. Narinig niya ang paglapit ni Dan at naramdaman niya ang paghinto nito sa likuran niya.
“Wala ka talagang takot na masaktan?”
“Wala kang pake.”
“Yang ginagawa mong paglapit sa kanya, pareho niyo lang na ikasasakit. Tingin mo masusuklian niya 'yang pagmamahal mo?”
Pagmamahal?
Kumalabog ng malakas ang puso niya sa salitang 'yon. Mahal niya na ba si Ali? Bumaba ang tingin niya sa lalaking nasa harapan at lalong bumilis ang pagkabog sa kanyang dibdib. Pero tila nabingi siya sa mga sunod na salitang narinig niya mula kay Dan.
“Hindi ka pwedeng mahalin ni Boss kahit kelan. Kaya kung may awa ka pang natitira para sa sarili mo, lumayo ka na hangga't maaga.”
“Ayoko.” Galit niyang nilingon ito, “sino ka para utusan ako? Wala kang pakialam kung masaktan o hindi. At mas lalong wala kang karapatan na diktahan ako sa kung anong gusto kong gawin sa buhay ko.”
“Ikaw ang bahala. Basta ako... binalaan kita.”
Tahimik na pinagmasdan niya ang walang malay na si Ali. Kakaibang kirot ang gumuhit sa dibdib niya nang alalahanin ang sinabi sa kanya ni Dan. The fact that he doesn't want her to fall in love with Ali brings pain to her chest. Bwisit na 'yon, panira ng buhay!
Hindi niya maintindihan pero napaiyak siya lalo sa sama ng loob. Hanggang sa dumating ang doktor na magtitingin kay Ali ay umiiyak pa rin siya sa halong pag-aalala at disappointment kay Dan. Hinawakan siya ni Leo sa palapulsuan at saka hinatak palabas ng kwarto ni Ali.
“I'm just worried!”
“Oo alam ko! Pero walang magagawa 'yang pag-aalala mo kung hindi mo hahayaan ang doktor na gamutin siya!”
Naiiling na tinapunan sila ng tingin ni Dan.
“Sabi ko sa 'yo itali mo na lang 'yan saka mo busalan ang bibig.”
BINABASA MO ANG
In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]
General FictionAlfonzo Ismael Sabella, a dangerous billionaire who has forgotten the darkest part of his past, started a new life in the small community of Makaslag Village. In the stillness of his life there, comes Honey Love Mendez, a spoiled brat city girl who...