Chapter 45

1.5K 64 32
                                    

TRIGGER WARNING: This chapter contains sensitive topics that may be harmful to some readers. Please read it with caution.

--

[Honey]

“Get ready. My parents are coming home tonight. They want to meet you.”

“Pwede ba sa ibang araw na lang? Masama ang pakiramdam ko," pagdadahilan niya which is totoo naman. Ilang araw nang masama talaga ang pakiramdam niya.

Nilingon siya ni Jameson na kasalukuyang nasa harap ng salamin. Nag-aayos ito para sa pagpasok sa opisina.

“Masama ang pakiramdam mo?” pag-uulit na tanong nito at nagsimulang humakbang patungo sa kanya. She was sitting on the edge of the bed and he stopped on her front, “o ayaw mo lang talaga na kitain ang mga magulang ko?”

“Totoong masama ang pakiramdam ko, Jameson,” nakatingalang giit niya. Matapang na sinalubong niya ang mga mata nito. Ngumisi pa bago muling nagpatuloy, “pero hindi ka rin naman nagkakamali. Bakit ko gugustuhin makita ang mga taong dahilan kung bakit ka nandito sa mundo?”

Jameson sneered at what she said.

“That’s what I really love about you, Honey, hmm? Your honesty turns me on.”

“Don’t touch me!” Nandidiri na itinaboy niya ang kamay nitong akmang hahaplos sa kanyang mukha.

Tumawa si Jameson sa halip na mapikon.

“You must be training yourself in such things already, Honey.” He leaned towards her and brought his mouth close to her ear, “because I don't have the patience to indulge you anymore.”

Nakapamulsang umayos ng tayo si Jameson at tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa.

“Fix yourself before they arrive. I won’t accept any mistake from you this time,” he said as a warning.

Sa tuwing aalis si Jameson papasok ng trabaho ay daig pa ni Honey ang pansamantalang nakakawala sa hawla. Kung sa tipikal na mag-asawa ay nalulungkot ang babae kapag umaalis ang lalaki para magtrabaho, pwes siya hindi. Para siyang mas nakakahinga ng maluwag kapag wala ang demonyong lalaking ito sa paningin niya.

Labag sa loob na kumilos si Honey pagpatak ng alas singko ng hapon. Alas sais darating ang mga magulang ni Jameson at isang oras na lang ang mayroon siya para maghanda ngunit parang ayaw pa rin gumalaw ng katawan niya.

Kaninang umagang sinabi niya kay Jameson na masama ang pakiramdam niya, totoong masama talaga. Gusto niyang sumuka na parang hindi naman. Basta… hindi niya ma-explain.

“Ma’am Honey?” pagtawag sa kanya nang kumatok sa kanyang pinto. “Bumaba na raw po kayo, malapit na sina Senyora.”

“Sige susunod ako,” nanghihinang tugon niya. Humawak siya headboard ng kama upang alalayan ang sarili na makatayo.

Hindi na siya nag-abala pang i-check ang sarili dahil hindi talaga maganda ang pakiramdam niya. Nagsuot lang siya ng dress na una niyang nahugot sa kanyang cabinet at wala na siyang pakialam kung bagay man ito sa kanya o hindi.

“Good evening po, Senyora Cecilia at Senyor Jaime,” bati ng mga maid na nakaporma ng diretso sa pagsalubong sa kanila. Hindi naman siya tumayo para salubungin sila. Pinanood niya lang ang mga ito mula sa sala na pumasok.

“Kunin niyo ang mga gamit ko sa sasakyan. Magdahan dahan kayo dahil mga mamahalin lahat ng nasa loob.”

“Opo, Senyora.”

“Gracias a Dios! Nakauwi rin tayo, Jaime. I missed our home so much,” anito nang nakabukas ang mga kamay habang nakangiti. Sa lawak ng mansyon nila ay marahil hindi pa siya napapansin ng mga ito na nakaupo lang sa sofa. Pero mula sa kinauupuan niya, tanaw na tanaw niya ang nagniningning na mga alahas ng ina ni Jameson.

In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon