[Ali]
“Hon? Someone's looking for you,” malambing na wika niya pagkatapos i-check kung sino 'yung kumakatok.
Katatapos lang nilang mananghalian at naghuhugas si Honey ng pinagkainan.
“Sino?”
Namilog ang mga mga nito nang pumasok na ang bisitang babae bago pa man siya makasagot. Umiiyak kaagad itong lumapit kay Honey.
“Madel?!” kunot noong tawag nito sa pangalan ng kaibigan. “What the heck are you doing here?!”
Hindi ito sumagot at kaagad na yumakap lang kay Honey. Tumungo siya sa sala para hayaan ang mga itong makapag-usap sa kusina. Gayunpaman, dinig na dinig pa rin niya ang usapan nila dahil sa lakas ng kanilang mga boses.
Umiiyak itong nagsumbong kay Honey tungkol sa ginawa raw dito ni Chairman Mendez, which is Honey's father. She said that she's been trying to reach Honey's phone, pero hindi ito makontak.
“Sinabi ko na wala akong alam kung nasaan ka, kaso nalaman niya ang sikretong pakikipag-usap ko sa 'yo. Tinanggal niya 'ko sa trabaho tapos ngayon ginigipit niya ang pamilya ko para mapaamin ako kung nasaan ka.”
“D-Did you tell him where I am?”
“Ayon na nga! S'yempre hindi ko sinabi pero kinailangan umuwi ng buong pamilya ko sa probinsya pagkatapos bilhin ng Papa mo 'yong apartment na nirerentahan namin. He's dead serious sa paghahanap sa 'yo!”
“Oh my God. I didn't know he could stoop this low just to find me. I'm sorry kung nadamay kayo ng family mo, but don't worry gagawan ko 'to ng paraan.”
“No—hindi ka pwedeng bumalik,” nanginginig ang boses na pagpigil ni Madel.
“What? Bakit hindi pwede? It's my fault that your whole family got affected with my issue kaya dapat lang na bumalik ako. I can't discuss this with my father over the phone!”
“Honey, makinig ka sa 'kin. Sa ngayon mas mabuti na munang nasa probinsya ang pamilya ko at 'wag mo silang alalahanin. May mas malaking problema tayong dapat gawan ng paraan. Si Jameson.”
Ali's forehead creased upon hearing about that guy's name. Nanonood siya ng movie sa sala pero wala ang focus niya sa TV, kundi nasa pakikinig sa dalawang nasa kusina. Humina ang boses ng mga ito kaya naman tumayo siya para lumapit. Nagkunwari siyang nauhaw para kumuha ng tubig sa ref at mapakinggan ng mabuti ang pag-uusap ng dalawa.
“Sa labas tayo mag-usap.”
Nasamid siya sa iniinom nang hinila ni Honey ang kaibigan at nagtungo ang mga ito sa likod. Did they notice he's listening? Damn it.
Bumalik siya sa pwesto niya kanina sa sala at mula ro'n ay natanaw niya ang mga ito sa nakabukas na bintana. Tumayo ulit siya at pasimpleng lumakad paatras para pumwesto sa upuan malapit sa kinaroroonan ng mga ito.
“Hinanap ka na mismo ni Jameson last week sa Papa mo kaya nagmamadali itong hanapin ka ngayon. Akala ko naniniwala naman sa 'kin si Chairman na wala akong alam kaso may bwisit na chismosang nakakita yata sa ating magkasama noong last na punta mo. Ayon, nagkanda-leche-leche.”
Napahawak sa ulo nito si Honey. “Tang ina. Eh ngayon sigurado ka bang walang nakasunod sa'yo?!”
“Wala. Maaga akong umalis pero... hindi muna siguro ako makakabalik ngayon ng Maynila. Wala na 'kong trabaho at ang alam nila sumama ako sa pamilya ko sa probinsya. Hindi ako pwedeng makita ng mga tauhan ng Papa mo at mas lalong hindi pwedeng malaman nina Nanay at Tatay na natanggal ako sa trabaho.”
Nakapamaywang na nagpalakad-lakad si Honey.
“That's fine dito ka na muna tumira.”
“Sure ka? Dito muna ako titira? Okay lang ba doon sa...ano mo...uhm...”
BINABASA MO ANG
In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]
General FictionAlfonzo Ismael Sabella, a dangerous billionaire who has forgotten the darkest part of his past, started a new life in the small community of Makaslag Village. In the stillness of his life there, comes Honey Love Mendez, a spoiled brat city girl who...