[Honey]
Hindi sila nakauwi ni Ali dahil sa sobrang lakas ng ulan dulot ng bagyo. Nagpalipas sila ng magdamag sa Inn na pinag-stay-an dahil nilagnat siya, epekto ng allergies na tinamo niya mula sa apong-apong at dagdag pang naulanan.
Dahan-dahan siyang nagmulat pagkagising at ang payapang mukha ni Ali ang bumungad sa kanya. Bumaba ang tingin niya sa sarili at napaawang ang bibig niya sa higpit ng yakap nito sa kanya.
Did they sleep like this the whole night? Kaya ba sobrang sarap ng naging tulog niya ay dahil yakap siya ng gan'to ni Ali? Napangiti siya sa kaisipang ito kasabay ng pag-init ng magkabilang pisngi niya.
Umagang-umaga ay kinikilig siya sa lalakeng hindi na naman niya jowa. Hay naku! Pero sa halip na bumangon at lumayo, she chose to savor the moment and hugged Ali tighter. Pumikit uli siya pero ilang sandali pa lang ang lumilipas ay narinig niya itong tila may sinasabi.
“Baby....”
Nanlaki ang mga mata niya at napalunok sa narinig. Parang dumoble yata ang bilis ng pagtibok ng puso niya. Is he dreaming? Is she the one he dreams of now? Woah! Hindi siya makapaniwalang tumingala rito para masaksihan ang mukha nitong kasalukuyan na napapanaginipan siya.
“I can't believe you're that addicted to me, Mr. Sabella,” bulong na asar niya rito kahit alam niyang hindi naman siya nito naririnig.
Kinagat niya ang mga labi at walang pagsidlan ang tuwa niya na umaabot na siya ngayon sa panaginip ni Ali. Ibig sabihin ba nito ay hindi na lang basta fuck buddy ang tingin nito sa kanya? Is there a possibility that he is already falling in love with her?
Shit. Posible ba 'yon?! Sa halip na matakot ay kakaibang excitement ang bumalot sa buong pagkatao ni Honey. Dahan-dahan ay dinala niya ang kamay sa tapat ng dibdib niya at pinakiramdamang mabuti ang tibok ng sariling puso. Tinitigan niya ang mukha ni Ali habang ginagawa 'yon at pabilis nang pabilis ang pagkabog ng dibdib niya habang tumatagal na nakatingin siya sa lalakeng kayakap.
This isn't right anymore. Napalunok siya at pumikit saka sinubukang isipin muli si King Daryl Smith—the only guy who broke her heart into pieces. Pero mabilis na napadilat siya nang wala siyang maramdaman na kahit ano para sa lalakeng iyon.
She's over him. She's finally over him—oh my God!
Para siyang baliw sa pagpipigil sa sarili na tumawa dahil alam ng Diyos how hard she prayed for this time to come! Hindi siya madasaling klase ng tao pero sa tuwing pakiramdam niya ay wala na siyang matakbuhan, nagdadasal siya.
Ibinalik niya ang kamay sa palibot ng katawan ni Ali, but just as she would wake him up so they could go home, siya yata ang biglang nagising sa katotohanan sa kanyang narinig.
“C-Cinderella... baby....”
Nabasag ang puso niya sa ibang pangalan ng babae na sinambit nito. Napakahina lang ng boses ng pagkakasabi ni Ali pero sapat na upang makaramdam siya ng biglang talim sa kanyang dibdib. Sino 'yon? Sino'ng Cinderella? Bakit binabanggit ito ni Ali sa panaginip?
Walang pasubali na kumawala siya sa yakap nito at tumayo, dahilan para magising si Ali.
“Kanina ka pa gising?” he asked, slowly massaging the bridge of his nose.
“Oo,” tipid at malamig niyang sagot.
Napatingala sa kanya si Ali pero pumasok lang siya sa CR para ayusin ang sarili.
“Tara na tumayo ka na d'yan. Baka nag-aalala na si Manang Lora sa 'yo.”
“Are you okay now? How do you feel?”
Why does he even care when he's dreaming of another woman? Tsk.
“Nakatayo na 'ko kaya malamang ayos na 'ko. Bilisan mo.”
BINABASA MO ANG
In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]
General FictionAlfonzo Ismael Sabella, a dangerous billionaire who has forgotten the darkest part of his past, started a new life in the small community of Makaslag Village. In the stillness of his life there, comes Honey Love Mendez, a spoiled brat city girl who...
![In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]](https://img.wattpad.com/cover/304518488-64-k710388.jpg)