Chapter 34

1.2K 47 23
                                    

[Honey]

“Yaya, pakiakyat na lang ng food ko sa room ko!” sigaw ni Honey at nagmamadaling umakyat ng hagdanan.

Hinagis niya lang ang bag sa kanyang sofa at saka nag-shower nang mabilisan. She just finished some of her errands today at oras na para tawagan niya si Ali or else, baka makita na lang niya itong nasa tapat ng bahay nila.

“Ma'am? Nandito na po ang pagkain ninyo.”

“Okay just leave it there!” sigaw niya mula sa bathroom.

“Yung cellphone niyo po, ma'am, tumutunog.”

“Shit!” Kasalukuyan pa lang siyang naglalagay ng hair conditioner! “Ano'ng oras na ba, Yaya??”

“6:01pm po.”

Napamura ulit si Honey at madaling binanlawan ang sarili sa shower.

May usapan sila ni Ali na kailangan niyang tumawag ng eksaktong alas sais ng hapon upang makasigurong ayos pa ang lagay niya. Hindi ito kumbinsido na walang gagawing hindi masama ang mga kasama rito sa Maynila just to keep her. Ito rin ang isa sa mga kondisyones nito para hindi ito bigla na lamang sumulpot at sunduin siya.

Halos madapa si Honey sa pagtakbo pagkatapos na balutin ang sarili sa puting robe.

“I'm so sorry I was in the shower—”

[You are a minute and 40 seconds late.]

Tumaas ang isang sulok ng labi niya. “Wow... binilang mo talaga?”

[Don't be late next time.]

“So strict," she teased. "Anyways, tapos na 'kong makapag-research about sa problem ng company namin currently.” Umupo siya sa tapat ng kanyang vanity mirror at ni-loudspeak ang cellphone.

Kinwento niya kay Ali ang tungkol sa mga nalaman niyang panggigipit ng mga Ledesma sa kanyang ama kaya pala minamadali siya nito. Hinohold ng mga ito ang mga armas na kailangan ng Mendez Security Group para sa bagong security project at hindi nila ito pwedeng i-launch nang wala ang mga 'yon.

[No, don't meet him alone. It's dangerous.]

“I know kaya nga sasabihin ko sa 'yo ang exact location na pagkikitaan namin para doon mo 'ko puntahan.”

[That's brilliant. Buti naisip mo 'yon?]

She could imagine him grinning now. Nakailang sabi na kasi itong pupuntahan siya pero hindi niya ito pinapayagan.

“Of course, I'm smart. Alam kong tuso si Jameson, pero mas tuso ako sa kanya. Pero wait, promise me first na wala kang gagawin kundi hintayin ako sa pagkausap sa kanya.”

[That depends.]

“Oh no—I don't like that answer,” angal niya.

“Oh no—I don't have other answer," panggagaya pa nito sa tono niya.

“Ali!” Humaba ang nguso ni Honey at nagsalubong ang mga kilay. “I'm sure na may bodyguards kaming kasama at kapag gumawa ka ng scene doon, we're dead!”

“He's the dead one. Not us.”

“Ismael!” Kapag sobrang naiinis na ay hindi niya na napipigilan ang sarili na tawagin ito sa isa pang pangalan. Narinig niya si Ali na tumatawa ng mahina at umikot ang mga mata niya sa kawalan. “Listen to me...”

Para siyang magulang na binilinan ang anak sa hindi nito dapat gawin. Hindi lang niya sigurado kung nakikinig ba ito sa mga pinagsasabi niya o nakikipag-usap lang siya sa hangin.

Nakakainis! Akala niya'y si King na ang lalakeng may pinakamaiksing pasensya na nakilala niya, pero hindi pala. Alfonzo Ismael Sabella exists!

He ended up playing her Kalimba music again over the phone when they decided to sleep already. Akala ni Honey ay magiging problema niya ang pagtulog nang mga nakaraang araw dahil sa nangyayari, ngunit dahil kay Ali, parang sumarap pa lalo ang bawat tulog niya.

In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon