[Honey]
“Bitaw.”
Tinapik ni Ali ang kamay niya at nabitawan niya ang hawak na kalot. Kasalukuyan na nagluluto sila sa bahay ni Lola Lusing para sa lingguhang salu-salo ng lahat ng tao rito sa Makaslag. At para makatulong kahit papa'no, naisipan niya na trabauhin ang mga nakuhang kalot ng mga kalalakihan.
“Why did you do that?!” galit na singhal niya kay Ali. “Alam ko hindi ako marunong magluto, but I can still help! Ibalik mo nga sa 'kin 'yan.”
Sinubukan niyang agawin ulit ito ngunit hindi 'yon binitawan ni Ali.
“Hindi ka na nga nakakatulong, papatayin mo pa kami,” anito saka inilayo sa kanya ang sako ng mga kalot. “A single mistake in preparing this rootcrop would turn them into poison. Do you even know that?”
“W-What?”
“Hindi mo pwedeng direktang iluto ang kalot. You need to soak it for three days first.”
He was shaking his head as he took over her work. Sinabi nito na nakakalason daw ang dagta ng kalot kaya pinaghugas agad siya ng kamay ni Ali.
She was still breathing hard when she went back. Medyo kinabahan siya ro'n, ah. Kung nagkataon pa lang hindi siya nakita ni Ali ay malalason silang lahat dito. Grr. Pagtingin niya sa katabi ay may mga nakababad na kalot na itong inululuto. Tapos nakabuhol na 'yong mga nasa sako.
“Buknoy!” pagsigaw ni Luisa mula sa 'di kalayuan. “Makikuha ka nga muna ng apong-apong! Kulang itong dinala ng kuya Ambo mo!” tukoy nito sa gulay na isasahog sa nilulutong ulam.
“Sige po, Ate!” sigaw naman ni Buknoy pabalik.
Tumayo siya bigla at nagtaas ng kamay.
“Teka sama ako!”
“You'll go with them?” Ali asked.
“Oo para naman wala silang masabi na wala man lang akong ambag.”
Nagpagpag siya ng shorts at saka pinusod ng mataas ang kanyang buhok.
“Okay take care. Wag kang basta-basta humawak sa mga halamang makikita mo. Always ask Buknoy.”
“Duh alam ko. Tsk. Lagi mo na lang akong tinatrato na walang alam.”
“I'm just warning you. Wala ka sa Maynila.”
“K thanks.”
Pinagpapalit pa sana siya ng damit ni Ali dahil naka-sleeveless and shorts lang siya, pero hindi niya na ito pinakinggan. Sumama siya kina Buknoy, Asheng, at Eman para manguha ng apong-apong. May mga hawak na sanga ang mga kasama niya habang siya ay nasa likuran at panay ang reklamo sa mga damong nadadaanan nila.
Pero sana pala ay nakinig siya kay Ali. O kaya sana ay hindi na lang siya sumama.
“Nanung milyari kang Atsi yu??” (Anong nangyari sa Ate n'yo??) nag-aalalang salubong sa kanila ni Lola Lusing pagkabalik.
Bumaling ang atensyon ng mga tao kay Honey na kasalukuyang namumula ang balat at malapit ng magsugat.
“What happened?!” galit na tanong ni Ali nang makita siya. Hindi siya makasagot dahil sa sobrang kati ng balat niya pagkatapos mahawakan ang mga apong-apong na kinuha nila sa bundok.
“Hindi kasi namin alam na hindi niya alam ang apong-apong,” guilty na paliwanag ni Buknoy.
Nakayuko silang tatlo nina Eman at Asheng na pawang mga kabado sa nangyari kay Honey.
“Hinawakan ni Ate 'yong mga napitas namin. Wala siyang pantusok na sanga kaya ayun...nangati na siya.”
Lumapit si Luisa sa tatlong bata at kinuha ang sako na dala ng mga ito.
BINABASA MO ANG
In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]
General FictionAlfonzo Ismael Sabella, a dangerous billionaire who has forgotten the darkest part of his past, started a new life in the small community of Makaslag Village. In the stillness of his life there, comes Honey Love Mendez, a spoiled brat city girl who...
![In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]](https://img.wattpad.com/cover/304518488-64-k710388.jpg)