Honey
“Sshh.” Itinapat ni Honey ang daliri sa labi at sinulyapan muna si Ali bago ibinalik ang tingin sa pintuan. She cleared her throat and leaned herself forward. “Gabi na! Anong kailangan mo?!” sigaw niya kay Leo na nasa labas.
Kunot noo siyang pinanood ni Ali mula sa likuran.
“Si Boss?"
“Wala rito!”
“Ha?? Bakit wala??”
“Malay ko! Bakit mo sa 'kin hinahanap ang amo mo?!”
“Tangina malamang kayo magkasama sa kwarto!”
“Wala rito! Lumayas ka na nga! Istorbo ka, eh!” pananaboy niya kay Leo. Nagpagpag siya ng mga palad nang hindi na sumagot pa ang kausap niya sa labas. Malamang ay umalis na ito na sobrang inis at asar na naman sa kanya.
Paglingon niya sa kasama ay nasa likuran niya pa rin ito at naghihintay sa kanya. Bakit ba napakagwapo pa rin nito kahit nakatayo lang?! Wala man lang ba itong kahit isang anggulo na panget? Unfair!
“Paano ba 'yan napaalis ko na siya?” Lumakad siya palapit kay Ali at huminto sa mismong tapat nito. Ngumisi ito sa kanya at parang doon pa lang ay solve na yata siya para sa buong gabing ito. But no, hindi pwede. The night was still young.
“Well done.”
“Yun lang? Wala akong reward?” Mapupungay ang mga mata niyang tinitigan si Ali at napalunok naman ito na nakatitig din sa kanya. Bahala na si Batman kung pagsisihan niya man bukas 'tong ginagawa niya. Basta ang importante ngayon ay malakas ang loob niya. Salamat sa inumin na aksidente niyang nainom.
“I'm sorry, Honey. I don't do nasty things with my neighbor. Idadagdag ko na lang sa sweldo mo ang para sa pagpapaalis mo kay Leo.” Nagulat siya sa sinabi nito. This is not what she's expecting!
“What?!” Tinalikuran siya ni Ali at nagsimulang maglakad ito patungo sa isa sa mga kama. “You didn't let me open the door because we were supposed to do something, right?”
“Yes. And that's to rest.”
“Rest?!” napasigaw na naman siya. Sinundan niya ito.
“Yeah beacause I know you're tired from your escape.” He occupied one of the bed while she remained standing on the side. Nakapamaywang na napabuga siya ng hangin.
“I can't believe you,” mahinang bulong niya. He was obviously flirting with her earlier tapos sasabihin niyang magpapahinga lang sila ngayon! Lintik na Leo talaga 'yon, siya may kasalanan nito eh!
Kahit pa gusto niyang magalit kay Ali ay nasa matinong kaisipan pa naman siya para pigilin ang sarili na magmukhang desperada. Oo na't gwapo si Ali, pero duh! Hindi pa naman siya gano'n ka-cheap para ibaba ang sarili niya sa harapan ng lalakeng 'to.
Akmang hahakbang na siya patalikod ay parang ngayon lang umekto ng husto ang nainom niya kanina. Biglang umikot ang paningin niya at nawalan siya ng balanse sa sarili. Wala siyang nahawakang bagay na malapit sa kanya para hindi tuluyang matumba at sa kama na nasa harapan siya bumagsak.
“A-Aray...” daing niya sa noo na tumama sa matigas na bagay. Tangina—akala pa naman niya ay sinuwerte na siyang bumagsak sa kama. Kaso mukhang nakatakda yata talaga siyang malasin ngayong gabi.
“Okay ka lang?”
“Mukha ba 'kong okay?!” masungit na sagot niya. Hirap na dinala niya ang kamay sa kanyang noo para haplusin ito. At sa pag-angat niya ng mukha at pagmulat ng mga mata, saka pa lang niya na-realize ang kasalukuyang posisyon na kinalalagyan niya. Nakadapa lang naman siya sa ibabaw ng katawan ni Ali.
BINABASA MO ANG
In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]
Aktuelle LiteraturAlfonzo Ismael Sabella, a dangerous billionaire who has forgotten the darkest part of his past, started a new life in the small community of Makaslag Village. In the stillness of his life there, comes Honey Love Mendez, a spoiled brat city girl who...
![In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]](https://img.wattpad.com/cover/304518488-64-k710388.jpg)