Honey
Hanggang sa makabalik sa hotel ay hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ni Honey dahil sa itsura kanina ng mga dating kaklase. Dagdag pa na alam niya na ang tunay na pangalan ni Ali—Alfonzo Ismael Sabella. Sayang lang na wala na siyang ibang na-discover pa rito. Masyado itong misteryoso!
“Ayusin mo na mga gamit mo. Maaga tayo bukas.”
“Can't we just leave in the afternoon? May kailangan ka bang habulin sa Makaslag?” Nakasimangot na tanong niya habang naka-indian sit sa kanyang kama. Sinulyapan siya ni Ali saglit bago ito tumungo at umupo sa gilid ng kama nito.
“May klase ang mga bata bukas. We have to get there on time.”
“Umaga klase nila 'di ba? Paano tayo makakarating ng gano'ng kaaga?”
“Aalis tayo ng madaling araw.”
Laglag panga niyang tinitigan si Ali na nagsimula nang mag-ayos ng mga gamit nito. Never pa siya sa buong buhay niya gumising ng madilim at hindi siya makapaniwala na kailangan niyang gawin ito ngayon para lang umabot sa klase ng mga batang gusgusin na 'yon sa Makaslag! Ugh! What is he thinking?!
Nakasimangot siyang nagligpit na ng gamit at pagkatapos ay inayos na rin ang mga kailangan pirmahan sa hotel para sa pag-check out nila mamayang madaling araw. Gusto niya pa sanang magreklamo pero alam niyang wala na rin namang patutunguhan. Ali's decision is always firm.
Lumabas si Honey ng hotel room dahil ayaw niyang sayangin ang oras niya sa loob ng kwarto. Ilang oras na lang kasi ay babalik na naman siya sa buhay sa kabundukan at hindi niya alam kung kelan ulit siya makakapaglakad-lakad ng gan'to ka-komportable. Doon ay puro putik at bako ang daan!
Sumakay siya sa elevator habang abala sa pag-chi-check ng mga social media accounts niya sa kanyang cellphone. Sa dami ng messages na natanggap ay hindi niya namalayan na may kasama siya loob kaya't nang mag-angat ng tingin ay gulat na gulat siya sa repleksyon nito sa salamin ng elevator.
“Ay kalabaw!” Napasapo siya sa dibdib niya nang nakatingin kay Dan na walang emosyong nakatitig din sa kanya mula sa salamin. “Bakit hindi ka man lang kase nagsasalita? Ginulat mo 'ko!”
“Siraulo ba 'ko para kausapin ang sarili ko?”
Nagulat at napataas siya ng kilay sa tono ng boses nito.
“Inaano kita?” Hindi naman siya sinagot ni Dan at nanatiling nakatingin lang ito ng diretso sa sariling repleksyon. Pinagkrus niya ang mga braso sa tapat ng didib saka nilingon ang lalaki sa likuran. “Alam mo, feeling ko may galit ka sa 'kin.”
“Feeling mo lang 'yon.”
“Huh! I knew it!”
“Anong ginawa ko sa 'yo?”
“Ako yata dapat ang magtanong niyan sa 'yo. Anong ginawa ko sa 'yo at parang ang init ng dugo mo sa 'kin kapag nakikita mo 'ko? Ayaw mo ba na kasama ako ni Ali?” diretsahang tanong niya kay Dan.
“Wala naman akong magagawa kung isinama ka ni Boss. Pero kung sa tingin mo pupwede ang kung ano mang naiisip mo kasama si Boss, ngayon pa lang binabalaan na kita. Layuan mo siya.”
“Wow parang ako pa mukhang bad influence sa Boss mo, ah? Ganyan ba talaga kayong lahat na mga kaibigan niya?”
“Binibigyan lang kita ng warning. Kaya kung may binabalak ka kay Boss, itigil mo na.”
“Teka nga. Ano ba sa tingin mo ang balak ko sa Boss mo, ha? Do I look like someone who's got an agenda towards him?”
“May gusto ka ba sa kanya?”
BINABASA MO ANG
In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]
General FictionAlfonzo Ismael Sabella, a dangerous billionaire who has forgotten the darkest part of his past, started a new life in the small community of Makaslag Village. In the stillness of his life there, comes Honey Love Mendez, a spoiled brat city girl who...
![In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]](https://img.wattpad.com/cover/304518488-64-k710388.jpg)