Chapter 22

1.4K 56 7
                                        

[Honey]

She was done with all the bullshit her father was making her do. Hindi niya na kayang sundin pa ang mga gusto nitong mangyari! Gusto nitong ma-engage siya kay Jameson publicly, and that's a no way! Iyon ang pinakahuling bagay na gagawin niya, especially now she's officially running away from home.

Sinabi niya kay Ali ang desisyon na tuluyang magtago sa Makaslag. Desidido na siyang takasan ang kapalaran niya sa Maynila. She turned off her phone and removed its sim card. Sinira niya lahat ng pwedeng magamit ng Papa niya para ma-track siya. Wala rin siyang kahit anong gadget na dinala sa Makaslag dahil alam niyang sa isang pitik lang ng daliri nito ay kaya siyang maipahanap.

“Are you sure you're doing this?” maingat na tanong sa kanya ni Ali. Kumuha ito ng maiinom at inilapag ang baso ng juice sa kanyang harapan.

“Yes and this time, seryoso na 'ko. Hindi nila 'ko basta mahahanap because I made sure na nakarating ako rito nang walang kahit anong CCTV sa mga dinaanan ko.”

First time niyang mag-commute kanina sa buong buhay niya pero talagang inaral niya para lang makababalik sa Makaslag nang hindi nasusundan ng security cameras. She even refused na magpasundo kay Ali para makapag-ingat ng husto.

“Good thing you're smart not to get caught.”

“Of course. Sanay akong tumakas mula pa bata ako. It's just a piece of cake.”

“Pero hindi ka pa rin dapat magpaka-kampante.”

“Alam ko.” Humalukipkip siya mula sa dulo ng sofa. “Kelan kayo babalik ng Manila for your therapy?”

“Tomorrow morning and I'm telling you now, you can't come with us.”

“Tsk. Hanggang kailan kayo ro'n?”

“2 days? 3 days?”

“Ang tagal naman,” reklamo niya nang nakanguso.

“Dito ka na sa bahay mag-stay para mas komportable ka. May stocks ng pagkain sa ref, pero kung magkulangan magpasama ka kay Luisa. Ibibilin kita sa kanya.”

“Wag na,” agap niya. “Ano ako, bata? Hindi ba pwedeng 1 day ka na lang do'n?”

Natawa si Ali pero pinigilan nitong mapangiti.

“Hindi pwede, 'wag kang makulit.”

“What if I cry while you're gone?” pagpapaawa niya pa.

“I'll buy anything you want.”

“Ikaw ang gusto ko, pa'no 'yon?”

She pouted her lips while hugging a throw pillow. Nakangising inabot siya sa ulo ni Ali at ginulo ang buhok niya.

“Stop being cute or else....” Hindi nito itinuloy ang sasabihin at sinadyang bitinin siya sa kasunod!

Weekly ang therapy ni Ali sa Maynila at depende sa doktor nito kung ilang beses sa isang linggo. Pabago-bago ang schedule kaya palagi siyang nagtatanong kada linggo kung ilang araw ang magiging therapy nito. Mula nang simulan iyon ni Ali, nasa tatlong beses niya na itong nasamahan pero hindi niya na magagawa ngayong nagtatago siya.

“Do your work. I wanna see my house clean before I leave."

“I will!" Nakasimangot siyang tumayo para kumuha ng walis.

Natawa si Manang Lora sa kanila na nakatanaw mula sa kusina. Ang weird ng matandang ito sa totoo lang dahil parang lagi itong masaya kapag nag-aasaran sila ni Ali. Minsan nahuhuli niya itong titig na titig sa kanila tapos biglang mag-iiwas kapag nakita niya. Ang malala pa, madalas nakikita niya na lang itong umiiyak! Parang ito yata ang mas nangangailangan ng therapy kaysa kay Ali!

In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon