[Honey]
Time has gone so fast that she still can't believe everything that is happening to her life right now.
Parang kailan lang noong isinusumpa niya sa sarili na hinding hindi siya papatol sa psychotic na lalakeng si Jameson kahit pa ito na ang nag-iisang lalakeng matira sa mundo. She will never ever associate herself with someone like him. Pero kinain niyang lahat ng sinabi niyang 'yon.
Dahil ngayon, kasal na siya sa lalakeng pinakakinamumuhian niya.
Honey Love Mendez is now married to the famous businessman in the country—Jameson Ledesma.
“Mrs. Ledesma—”
“Don’t call me that. Kinikilabutan ako.” Ibinaba niya ang dalawang kamay sa magkabilang side at hinarap ang kasambahay na lumapit sa kanya. “What do you need?”
“Sorry po, ma’am. Itatanong ko lang po sana kung uuwi si sir Jameson dahil pinapatanong po ni Senyora Cecilia.”
Ah. Nasa ibang bansa nga pala si Senyora Cecilia kaya hindi niya pa pormal na nakikita. Bumuga siya ng hangin at walang emosyong bumaling sa kasambahay.
“Bakit mo sa ‘kin tinatanong? Anong malay ko kung uuwi o hindi ang amo mo?”
The maid was too stunned to speak that she was able to leave without a word.
Dalawang araw pa lang matapos silang ikasal ni Jameson. Naganap ‘yon isang araw pagkatapos ng pagbisita niya sa Makaslag.
She didn’t know what suddenly came to his crazy mind that he wanted to get married asap. Ni walang engagement at magarbong kasal na nangyari. They just signed a paper that made them legally married which is just fine with her anyway. As if namang panghihinayangan niyang hindi nagkaroon ng kasal sa pinakaayaw niyang tao? It just saved her from completely losing her sanity.
Bumaba si Honey mula sa kwarto at tumungo sa kitchen kung saan kasalukuyang naghahanda ng hapunan ang mga kasambahay.
“I’m hungry. Prepare me food now,” utos niya nang nakakrus ang kanyang mga braso. Napatigil sa ginagawa ang mga maid.
“Hindi niyo na po ba hihintayin si sir, ma’am?” nauutal na tanong ng maid na tumungo sa kanya kanina at agad na hindi niya nagustuhan ang isinagot nito.
“Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? I said gutom na ‘ko. Gusto mong tiisin ko ang gutom ko para lang hintayin siya? Bobo ka ba?”
“S-Sorry po, ma’am.” Nanginginig na yumuko ito.
Umiirap na tinalikuran niya ang mga mga kasambahay at tinungo ang mahabang dining table. Mabilis naman silang nakapaghain ng pagkain niya. Pero wala pa siyang isang linggo sa pamamahay na ‘to, ramdam niya na ang inis at takot sa kanya ng mga tao sa paligid niya.
So what? Wala naman siyang obligasyon na magpakabait at higit sa lahat, hindi siya mabait. Ngayon makikita ni Jameson kung anong klaseng babae ang ginusto nitong pakasalan.
Speaking of that devil, right after nilang magpirmahan noong isang araw ay umalis na ito. He told her something about his business, but she didn’t care about listening kaya hanggang ngayon, wala siyang sa kung anong inaatupag nito. Pati mga magulang nila ay hindi pa pormal na nagkikita, pero gaya nga ng nasa isip ni Honey, wala siyang pake. She never wanted this marriage in the first place, so she has no intention making an effort related to this.
“Honey?”
Dumako ang tingin niya sa pintong may kumakatok. Mabilis siyang tumalikod at nagtaklob ng kumot para magpanggap nang tulog kay Jameson. Yes—si Jameson ang kumakatok.
BINABASA MO ANG
In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]
General FictionAlfonzo Ismael Sabella, a dangerous billionaire who has forgotten the darkest part of his past, started a new life in the small community of Makaslag Village. In the stillness of his life there, comes Honey Love Mendez, a spoiled brat city girl who...