Honey
"Kasal na siya sa iba! Tigilan mo na ang kahibangan mo sa King Daryl Smith na 'yon!"
Halos mamula ang buong mukha ng Chairman dahil sa nabalitaang pakikipaglapit pa rin ng anak na si Honey sa business tycoon at kilalang gangster na si King Daryl Smith.
"Pinasusundan niyo ba 'ko?" galit nitong tanong sa ama.
"That isn't the point here!" mariing tugon nito. "Shall I just let other people think that I'm running a top security company when I can't even control my only child?!"
"You weren't like that before, Pa! Hindi ka naman dating nakikialam sa mga ginagawa ko sa buhay, so why now? I'm old enough!"
"That's it! You're old enough and you still can't manage your emotions! Hinayaan kita noon dahil nangako kang pakakasalan ka ng lalakeng 'yon, pero anong nangyari? His wife suddenly came back and they even had children!"
"Malay ko ba naman kaseng buhay pa 'yung asawa niya?! She's been gone for 5 years kaya akala ko...akala ko matututunan niya 'kong mahalin."
"She's gone for 5 years, pero ni hindi mo man lang nagawang gustuhin ka niya!" Napahilamos ito ng palad sa mukha at walang habas na hinampas ang hawak na tungkod sa malaking vase na nakadisplay sa sulok.
Napatalon si Honey at napasigaw ng malakas sa pagkapira-piraso ng vase sa tabi niya. Nagulat siya ngunit hindi naman natakot. Sinamaan pa niya ng tingin ang mga empleyadong padaan-daan sa nakabukas na pintuan ng opisina ng ama.
"What the heck, Pa?" pagalit na singhal niya at tinungo ang pinto saka sinarado ito. "Ano ba kasing ikinagagalit niyo eh hindi naman ako naninira ng pamilya? I'm actually just being friends not only with him, but also with his whole family!"
"Being friends? With all of them?" Sarkastikong nitong tinawanan ang sinabi niya. "What are you, a masochist or simply just a stupid woman?!"
Hindi niya alam kung maiinis o matatawa siya sa pagka-straightforward ng ama ngunit mas pinili niyang hindi na lang seryosohin ang sinabi nito.
"Ano ba kasing gusto niyong gawin ko?" kalmado niyang tanong sabay pabagsak na umupo sa swivel chair sa tabi. Mapaglaro niyang inikot ang sarili sa upuang ito at napahinto lamang nang marinig ang sagot sa kanya ng Chairman.
"Get married. Magpakasal ka sa kahit kaninong gusto mo para mawala lahat ng mga usap-usapan tungkol sa pagkabaliw mo sa Smith na 'yon. Have lots of kids."
Nagtaasan agad ang mga balahibo niya sa huling sinabi nito na magkaroon siya ng mga anak. Iniisip niya pa lang na magkakaroon siya ng mga katulad ng anak ni King Daryl ay parang umiikot na ang paningin niya.
"Errrr. Maybe I'll find a husband who doesn't want kids too. "
"Make sure you marry a noble and dignified man, Honey."
"Wait, what? A noble and...dignified man? Hahahahaha." Napahampas siya sa hangin. "That's so boring, Pa! Pwede ba 'yong medyo bad boy ng konti at malapit-lapit naman sa type ko?"
"Ano bang type mo? Gangster pa rin?" salubong ang kilay na giit ng ama.
"Hindi naman." Natatawang pinunasan niya ang luha sa mga sulok ng kanyang mata. "I just want someone who knows how to fight para kaya akong ipaglaban. Yung hindi aatras agad kapag nakita na 'yung mga baril mo. Besides, he's not having just any woman. I have the looks and the brain, and damn I'm the only child of the Chairman of a top security company in the country! I deserve the best, Pa!"
Nagliwanag ang mukha ng Chairman sa sinabi niya at nakita niya ang pagpipigil nitong ngumisi. Kinuha niya ang pagkakataong 'yon para huliin ang kiliti ng ama. Nilapitan niya ito at niyakap mula sa gilid.
BINABASA MO ANG
In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]
General FictionAlfonzo Ismael Sabella, a dangerous billionaire who has forgotten the darkest part of his past, started a new life in the small community of Makaslag Village. In the stillness of his life there, comes Honey Love Mendez, a spoiled brat city girl who...