Chapter 51

1.9K 76 16
                                    

[Ali]

"Babalikan nating 'yong Ledesma na 'yon? Akala ko ba hahayaan na lang natin masunog 'yon doon?" Sunod sunod na mga tanong ni Leo kay Ali. 

Doon sa paaralan ng mga nais mag-pari nila iniwan si Jameson—sa seminaryo. Ali's original plan was to only teach him a lesson, pero pagkatapos ng lahat ng nalaman niya na ginawa nitong kababuyan kay Honey, learning a lesson won't suffice as his punishment.

"I'm going to kill him... slowly."

Agad napapreno si Leo sa gitna ng daan at gulat na lumingon ito sa kanya. Nasa kalagitnaan sila ng byahe pabalik sa seminaryo.

"Ano?! Tutuluyan na natin 'yon?"

"I already told Dan about the plan. Just make sure no one will interfere while I'm playing with him."

"Wait... teka! Bakit biglang nagbago isip mo?"

Umigting ang mga panga ni Ali at tumingin sa labas ng bintana. Mahigpit na kumuyom ang mga kamao niya pagkaalala sa dahilan kung bakit niya gagawin itong balak niya.

"I want him to experience hell here on earth. I will torture him... with my own hands. I want to make him feel that he has no right to die quickly."

Naguguluhan pa ring tumingin sa kanya si Leo. Tila hindi nito lubos maisip kung saan nanggagaling ang tindi ng kanyang galit dahil hindi naman ito ang napag-usapan nilang gagawin kay Jameson. Subalit hindi na sinabi ni Ali ang eksaktong dahilan sapagkat gusto niyang respetuhin ang privacy ni Honey. He didn't want other people to look at her and think about the trauma she had experienced.

Nawala sa focus ang pang-uusisa ni Leo sa kanya nang tumunog ang phone nito dahil sa pagtawag ni Manang Lora. Pagkasagot nito ay agad na napatingin ito kay Ali.

"Boss, hinahanap ka raw ni Honey."

"Tell her we just went somewhere. We'll be back before evening."

Tulog pa kasi si Honey nang umalis sila kanina. Hindi niya na ito ginising pa para magpaalam. She had trouble falling asleep last night so she didn't want to disturb her.

Sinunod ni Leo ang sinabi niya at pagkatapos ay nagtuloy na ito sa pagmamaneho. Inabot din sila ng isang oras bago narating ang seminaryo na nasa tagong lugar ng isang kalapit na probinsya. May ilang mga tauhan na siyang naroon upang ihanda si Jameson sa pagdating niya.

"Ayan na pala sila," ani Leo bago pa man sila makababa ng sasakyan. Tinanaw nila ang mga kasamahan na hawak ang nagpupumiglas na si Jameson sa magkabila nitong braso habang patungo sa kinaroroonan nila.

Nang makarating, huminto ang mga ito sa gilid ng kanilang sasakyan.

"Ikaw na naman?!" galit na sigaw ni Jameson nang makita si Ali. Nakasuot na lamang ito ngayon ng simpleng puting pang-itaas na may mahabang manggas at kulay brown na lumang sweat pants. Ito ang kasuotan ng mga tagalinis dito sa seminaryo.

"Isakay niyo na 'yan at saka niyo tahiin ang bunganga. Alam niyo na kung saan 'yan dadalhin," utos ni Leo sa mga tao.

"Saan niyo 'ko dadalhin?! Bitawan niyo 'ko! Sa oras na makaalis ako rito papatayin ko kayong lahat!! Lalo ka na!!" pagduro nito kay Ali. 

Malamig na tinapunan niya ito ng tingin at dagling napatigil doon si Jameson. Iritadong tinatakpan naman ni Leo ang mga tenga. But it was only a few moments when Jameson seemed to sense the danger he was about to face. 

"Bitawan niyo 'ko sabi!! P-Pakawalan niyo 'ko rito!!"

Hindi na ito muling nakapagwala pa nang tuluyan nang maisakay ng mga tauhan ni Ali sa isang itim na van. Sinundan nila iyon patungo sa lugar na matagal na nilang hindi nababalikan. Ang lugar na kinahahantungan ng kanyang mga matitinding kaaway. 

In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon