Chapter 28

1.2K 42 6
                                    

[Honey]

"It was nice meeting you, Honey. Send my regards to your father."

Honey nodded at Mr. Ledesma. "Sure."

"Take good care of her, Jameson. Make sure you'll bring her home safe."

"Of course, Dad."

Tipid na nginitian niya si Mr. Ledesma pagkatapos silang ihatid nito sa labas. Mainit ang naging pagtanggap sa kanya ng  ama ni Jameson kaya naman hindi niya nagawang bastusin ito gaya ng nasa plano niya. His mom is currently out of the country so she wasn't able to meet her. Balak pa naman sana niyang pakitunguhan ang mga magulang ni Jameson ng hindi maganda para hindi na maulit pa ang pagkikita.

"What can you say about my dad? Gustong-gusto ka niya." Masayang binuhay ni Jameson ang makina ng sasakyan.

"I actually like him. I didn't expect na gano'n kabait ang dad mo. Nagtataka lang ako kung bakit hindi mo namana ang kabaitang 'yon sa kanya. Sure ka bang anak ka niya? Or maybe 'yung mom mo ang kaugali mo?"

Mula sa pagngiti ay umigting ang mga panga nito habang nagmamaneho. Napangisi si Honey nang makita niya ang paghigpit ng hawak nito sa manibela.

"I'm adopted."

"What??" The smirk on her face suddenly vanished. Sinulyapan siya ni Jameson saka ibinalik ang tingin sa daan at nagsalita.

"Hindi sila ang totoong magulang ko. They took me from an orphanage when I was five after their real son died. But no one knew about that. I lived in someone else's identity since the day I stepped out of the orphanage."

"You mean... hindi ka nila totoong anak? Hindi ikaw ang totoong Jameson Ledesma??"

He nodded. "Yes."

Honey's mouth fell open. Hindi siya makapaniwalang pinagmasdan ito na naka-focus sa pag-da-drive. Sa isang iglap, nagbago yata ang tingin niya sa lalaking kinamumuhian niya. What the heck did she just learn?!

She was about to say sorry for saying those words to him when suddenly he just started laughing.

"Oh... God. Did you just f-ucking believe that story?!" he exclaimed.

Mala-demonyong itong nagpatuloy sa paghalakhak. Naramdaman ni Honey ang mabilis na pag-akyat ng dugo niya sa kanyang ulo. At kung hindi lang ito kasalukuyang nagmamaneho ngayon, malamang tinadyakan niya na ang Jameson na 'to palabas ng sasakyan.

"F-uck you, crazy!!"

"Oh I'd love that!"

Siraulo! Nakakrus ang mga braso niyang tumingin na lang sa labas kaysa makita ang nakakairitang pagmumukha ng lalaking 'to. He's such a Psycho! Kung hindi pa ito tumawa ng gano'n, paniwalang-paniwala pa man din siya sa sinabi nito! Ugh!

"I need to use a restroom," walang emosyong sabi niya. Napasulyap sa kanya si Jameson at inutusan niya itong huminto muna sa isang gasoline station.

"Okay."

Nanlalamig ang mga kamay niya sa kaba nang bumaba ng sasakyan. Hindi dahil kailangan niyang mag-cr, kundi tatakas siya para hindi na siya maiuwi pa ni Jameson sa kanila. Ayaw niya nang makulong ulit sa kwarto!

Pagkalayo ay nagtago agad siya para pagmasdan si Jameson at planuhin kung paano siya tatakas. Nakita niya itong bumaba ng sasakyan para manigarilyo at sakto ay may tumawag sa phone nito. Tumalikod ito para sagutin 'yon.

"Saan po tayo, ma'am?"

"Kahit saan basta malayo rito. Go drive!"

Nataranta ang driver sa tono ng boses niya at nagmamadaling inialis ang sasakyan. Problema lang niya ngayon kung paano siya makakababa dahil wala siyang perang pambayad. Napahilamos siya at ipinatabi na lang ang taxi nang tingin niya ay medyo nakalayo naman na siya.

In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon