Chapter 36

1.3K 52 26
                                    

[Honey]

“U-umalis na tayo rito, Honey. Delikado na—”

Tinabig ni Honey ang kamay ni Madel na humawak sa kanya. Tumayo siya at binalingan ang direksyon ng kinaroroonan nina Ali at ng iba pa.

“No, hindi ako aalis.”

“Hindi mo ba nakikita ang kinikilos ni Ali?!” pabulong na sigaw sa kanya ng kaibigan. Kitang-kita sa mga mata nito ang takot. “Baka madamay pa tayo rito!”

“Kilala ko si Ali. He's only mad now because of what he found out.”

“Nasisiraan ka na ba ng ulo sa lalakeng 'yon?! Honey, gising! Hindi ito ang oras para pairalin mo 'yang katangahan mo sa lalake!”

“You can go without me. I'm fine. Alam ko kung ano'ng ginagawa ko, Madel.”

Napasabunot si Madel sa buhok pero hindi naman ito umalis. Nanatili ito sa tabi niya at dinig na dinig pa rin nila ang nangyayari mula sa nakaawang na pintuan ng sikretong firing range room.

Masama ang kutob ni Honey sa nangyayari ngunit siguro'y nasisiraan na nga talaga siya ng ulo gaya ng sinabi ni Madel. Nagpatuloy siya sa pakikinig habang mariing nakakapit ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid.

“What else were you hiding from me?” She heard Ali's slow... scary footsteps. Nakakapanindig balahibo ang tunog ng mga hakbang nito. “Speak now before I completely decide to silence your mouth. You probably haven't forgotten how I can do that, you old woman.”

Nanginig ang mga paa ni Honey na humakbang palapit sa pintuan. Humawak siya sa pader para kumuha ng suporta sa halos tumutumba niya ng katawan.

“W-wala na kaming... iba pang tinatago sa 'yo, Ali,” sagot ni Manang Lora. “Si Kiel... siya lang ang tanging inilihim namin sa 'yo.”

“How can I trust your words if you have already fooled me?”

“Maniwala ka sa 'kin, anak—”

“Stop fucking calling me that.”

“Handa kong itaya ang buhay ko sa 'yo.”

“Sigurado ka?”

Maingat na sumilip si Honey mula sa nakaawang na pinto. Nasilayan niya ang walang buhay na mga mata ni Ali na kasalukuyang nakapokus sa matanda.

“Boss, hindi lang si Manang Lora ang nagtago sa 'yo niyan. Kasama niya kami kaya 'wag ka lang sa kanya—”

"I'm not talking to you, but don't worry you'll have a place too." Dumako ang nagyeyelong mga titig nito kay Leo. At pagkatapos kay Dan. “All of you... who are with this old woman in fooling me.”

“Ali, anak—wala silang kinalaman dito ako lahat ang may pakana—”

“Tumahimik ka wala akong pakialam sa opinyon mo!”

Napatakip sa bibig niya si Honey nang makita ng dalawang mata kung papaano marahas na sinakal ni Ali si Manang Lora. Malayong malayo sa kung paano nito respetuhin ang matanda noon na parang magulang.

“Siguraduhin mo lang na wala ka ng itinatago pa sa 'kin dahil ipinapangako ko... oramismo... ako ang papatay sa 'yo.”

Marahas nitong binitawan ang matanda na napaupo sa sahig. Naglakad ito palabas at ni hindi man lang siya tinapunan ng tingin nang madaanan. Sa halip sundan si Ali, tumatakbong dinaluhan ni Honey ang matanda.

“Manang Lora!”

“Tangina—bakit ka nandito?!” Tarantang napabalik ng tingin si Leo sa pinto habang si Dan ay sumunod kay Ali.

In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon